Google

Mga Patakaran at Prinsipyo

FAQ

  1. Paano pinoprotektahan ng Google ang aking privacy?
  2. Bakit iniimbak ng Google ang data ng mga log ng search engine?
  3. Bakit tinatago ang mga log ng search engine bago ginagawang hindi kilala?
  4. Paano ko aalisin ang impormasyon tungkol sa aking sarili mula sa mga resulta ng paghahanap ng Google?
  5. Gumagamit ba ang Google ng cookies?
  6. Ano ang mangyayari kapag nagsasalungatan ang iba’t ibang batas sa privacy sa iba’t ibang bansa?
  7. Gaano kadalas hilingin sa iyo ng mga pamahalaan na magbigay ng data sa mga user?
  8. Paano ako makikipag-ugnay sa Google kung mayroon akong tanong o reklamo sa privacy?

Paano pinoprotektahan ng Google ang aking privacy?

Sa Google, lubos naming batid ang tiwalang ibinibigay sa amin ng mga user, at ang aming responsibilidad upang maprotektahan ang kanilang privacy. Naniniwala kaming ang transparency at kalayaang pumili ang mga sandigan ng privacy. Upang matulungan kang gumawa ng mga binigyang-alam na pagpapasya tungkol sa iyong sariling privacy, nagsusumikap kami upang ipaalam sa iyo kung anong impormasyon ang kinokolekta namin kapag ginagamit mo ang aming mga produkto at serbisyo at kung paano namin ginagamit ang impormasyong iyon upang mapabuti ang iyong serbisyo. Nagsusumikap din kami upang makapagbigay sa iyo ng makabuluhang mga pagpipilian kapag posible tungkol sa impormasyong ibinigay mo sa Google at sa iba. Hinihikayat ka naming panoorin ang aming mga video, basahin ang aming patakaran sa privacy at kumonsulta sa aming mga Help Center upang malaman ang higit pa tungkol sa privacy sa Google.

Bakit iniimbak ng Google ang data ng mga log ng search engine?

Iniimbak namin ang #data na ito sa maraming dahilan. Pinakamahalaga, iniimbak namin ang data upang mapabuti ang aming mga resulta ng paghahanap at upang mapanatili ang seguridad ng aming mga system. Tinutulungan ng pag-aaral ng data ng mga tala ang aming mga engineer na parehong mapabuti ang iyong kalidad ng paghahanap at makabuo ng mga nakatutulong na makabagong serbisyo. Tingnan ang hallimbawa ng Google Spell Checker. Awtomatikong tinitingnan ng software sa pag-spell check ng Google ang query ng user at sinusuri upang makita kung ginagamit ng user na iyon ang pinakakaraniwang bersyon ng spelling ng salita. Kung nakalkula namin na malamang na makakakuha ang user ng mas may katuturang mga resulta ng paghahanap gamit ang kahaliling spelling, itatanong namin ang “Ibig mo bang sabihin: (mas karaniwang spelling)?” Upang maibigay ang serbisyong ito, pinag-aaralan namin ang data sa aming mga tala. Tinutulungan din kami ng data ng mga tala na pagbutihin ang aming mga resulta ng paghahanap. Kung alam naming nagki-click ang mga user sa #1 na resulta, alam naming malamang na tama ang ginagawa namin, at kung pinipindut nila ang kasunod na pahina o muling bubuuin ang kanilang query, malamang na mali ang ginagawa namin. Sa karagdagan, tinutulungan kami ng data ng mga tala na iwasan ang pandaraya at iba pang mga pag-abuso, tulad ng phishing, mga pag-atake sa scripting, at spam, kabilang ang spam sa pag-click sa query at spam sa pag-click sa mga ad.

Bakit tinatago ang mga log ng search engine bago ginagawang hindi kilala?

Inaabot namin ang makatwirang balanse sa pagitan ng nagtutunggaling mga kahingiang kinakaharap namin, tulad ng privacy ng aming mga user, ang seguridad ng aming mga system at ang pangangailangan para sa pagbabago. Naniniwala kaming naaabot ang tamang balanse kapag ginagawang hindi kilala ang mga IP address pagkatapos ng 9 na buwan at cookies sa aming mga tala sa search engine pagkatapos ng 18 buwan.

Paano ko aalisin ang impormasyon tungkol sa aking sarili mula sa mga resulta ng paghahanap ng Google?

Tulad ng lahat ng search engine, ang Google ay salamin ng nilalaman at impormasyong pampublikong available sa web. Walang kakayahan ang mga search engine na direktang mag-alis ng nilalaman mula sa web, kaya iniiwan ng pag-aalis ng mga resulta ng paghahanap mula sa Google o isa pang search engine ang nilalaman na hindi naaapektuhan. Kung nais mong mag-alis ng isang bagay mula sa web, dapat kang makipag-ugnay sa webmaster ng site at hilingin sa kanyang gumawa ng pagbabago. Sa sandaling naalis na ang nilalaman at binisitang muli ng pag-crawl ng search engine ng Google ang pahina, hindi na lilitaw ang impormasyon sa mga resulta ng paghahanap ng Google. Kung mayroon kang agarang kahilingan sa pag-alis, maaari mo ring bisitahin ang aming pahina ng tulong para sa higit pang impormasyon.

Gumagamit ba ang Google ng cookies?

Oo, tulad ng karamihan ng mga website at search engine, gumagamit ang Google ng cookies upang mapahusay ang iyong karanasan at upang makapagbigay ng mga serbisyo at advertising. Tinutulungan kami ng cookies na magpanatili ng talaan ng iyong mga kagustuhan, tulad ng kung nais mong nasa Ingles o French ang iyong mga resulta ng paghahanap, o kung ginagamit mo ang aming SafeSearch filter. Kapag walang cookies, hindi magagawang maalala ng Google kung ano ang nais ng mga tao. Gumagamit din kami ng cookies upang makapagbigay ng advertising na mas may katuturan sa iyong mga interes.

Nasabi sa amin na hindi nais ng karamihan sa mga user na ma-re-set ang kanilang mga computer sa bawat oras na mag-log on sila. Kung hindi mo nais na makatanggap ng cookies, maaari mong baguhin ang iyong mga browser upang i-notify ka kapag may ipinadalang cookies at pagkatapos ay tanggihan ang cookies mula sa ilang partikular na web site (o sa lahat). Maaari ka ring magtanggal ng cookies mula sa iyong browser. Gumagana ang search engine ng Google kahit na walang cookies, ngunit hindi mo magagamit ang ilang mga pag-andar kung pinili mong huwag paganahin ang cookies.

Ano ang mangyayari kapag nagsasalungatan ang iba’t ibang batas sa privacy sa iba’t ibang bansa?

Iba’t iba ang diskarte sa mga isyu sa privacy ng maraming bansa at walang iisang pandaigdigang pamantayan na sinasang-ayunan ng lahat ng bansa. Idinisenyo ang patakaran sa privacy ng Google na maging iisa, malinaw, pandaigdigang pahayag ng aming diskarte sa privacy, at idinisenyo ang aming mga kasanayan sa privacy sa ilalim nito upang matugunan ang naaangkop na batas sa buong mundo.

Gaano kadalas hilingin sa iyo ng mga pamahalaan na magbigay ng data sa mga user?

Kagaya ng ibang kumpanya ng teknolohiya at komunikasyon, nakakatanggap kami ng mga kahlingan sa mga ahensya ng gobyerno sa buong mundo na magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga user ng aming mga serbisyo at produkto. Upang makatulong sa pagtaas ng transparency tungkol sa mga kahilingang ito nilikha namin ang Tool sa Mga Kahilangan ng Pamahalaan, na nagpapakita ng mga bilang ng mga kahilingan na aming natanggap na pangunahing kaugnay ng mga pagsisiyasat ng krimen. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa tool at sa likas na katangian ng mga kahilingang ito, pakitingnan ang FAQ ng Tool sa Mga Kahilangan ng Pamahalaan.

Paano ako makikipag-ugnay sa Google kung mayroon akong tanong o reklamo sa privacy?

Maaari kang makipag-ugnay sa amin anumang oras sa pamamagitan ng aming form sa pakikipag-ugnay tungkol sa privacy. Kung mas gusto mo, maaari ka ring sumulat sa:

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA