Project 366, #5

Sulat-kamay

Isa na siguro sa mga bagay na pinagmamalaki ko ay ang aking sulat-kamay. Ilang tao na din ang nagsabing ang ganda-ganda ko daw magsulat at ilang professor na din na pinagkamalang babae ang nagsulat ng mga pinapasa kong mga exercises, etc.

Siguro ay isa na din sa “factor” kung bakit gumanda ang pagsulat ko ay ang pangongopya ng mga letra o ang pagsulat ng ibang mga tao, lalo na ng mga kaibigan ko. Ginagaya ko tapos pinagsama-sama ko para gawing akin. Kaya ayan, sulat-kamay ko.