Home NATIONWIDE Negosyanteng Pinoy, kinalampag sa Divisoria-type prices

Negosyanteng Pinoy, kinalampag sa Divisoria-type prices

MANILA, Philippines – Hiiniling ng isang mambabatas sa lokal na negosyante na magtakda ng Divisoria-type prices upang matiyak na abot-kaya ng consumer ang presyo ng produkto sa pagpasok ng holiday season.

Inihirit ito ni Senador Francis Tolentino sa kanyang lingguhang programa sa radio na kung saan, panauhin nito si MSME Council Vice Chairman and Go Negosyo founder Joey Concepcion.

Tinalakay ng dalawa ang Pagdagsa ng benta sa negosyo sa panahon ng Kapaskuhan na maaaring gamitin bilang pansamantalang “break” ng consumer sa mataas na presyo ng bilihin.

“Dapat magkaroon ng often-used word na yung corporate social responsibility (CSR). Yung bigyan naman ng konting puwang yung ating mga mamimili,” ayon sa senador.

Iminungkahi pa ng senador ang pagtatayo ng flea market sa mga negosyante tulad sa Divisoria, popular na wholesale district sa Maynila na kung makabibili ng halos lahat ng bagay.

“Siguro parang Divisioria-type ang atmosphere, yung presyo. Hindi naman binabargain pero yung affordability siguro, Mr. Secretary aniya kay Concepcion.

“Lalung-lalo na yung mga basic goods hindi lang hamon, siguro yung mga tinapay ngayong Kapasukuhan iyan yung mga mabibili nationwide, giit pa ni Tolentino.

Masyadong lumobo ang halaga ng langis sa bansa sanhi ng pagkilos sa pandaidigang pamilihan na nagkaroon ng domino effect sa presyo ng pangunahing bilihin bukod sa hindi masawatang smuggling, hoarding at manipulasyon ng presyo ng produkto tulad sa agrikultura. Ernie Reyes