Jump to ratings and reviews
Rate this book

Para Kay B

Rate this book
Alam mo ba ang ibig-sabihin ng "CONJURE"?

Isa ka bang Capital S?

Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?

Ito ang unang nobela ni Ricky Lee, premyadong scriptwriter ng mga klasikong pelikula gaya ng Himala, Moral, Anak at iba pa; at awtor ng bestselling scriptwriting manual na Trip to Quiapo.

243 pages, Paperback

First published January 1, 2008

Loading interface...
Loading interface...

About the author

Ricky Lee

199 books489 followers
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.

He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.



Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2,888 (41%)
4 stars
2,165 (30%)
3 stars
1,340 (19%)
2 stars
397 (5%)
1 star
194 (2%)
Displaying 1 - 30 of 446 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 5, 2014
Pangalawang Pagbasa: Oktubre 2014

Hindi lang sa nagandahan ako kundi talagang nagandahan ako. Hindi dahil sa makakapanayam namin sa Pinoy Reads Pinoy Books sa susunod na buwan si Ricky Lee, kundi noong talagang binasa ko ang libro, mas na-appreciate ko yong pagkakabalangkas ng plot. Akala ko noong unang mabasa ko ito, limang kuwento lang ng pag-ibig at di ko napuna ang mahalagang papel ni Lukas na siya pala ang sumulat ng limang kuwento kasama na ang kuwento nila ni Bessie. So, naroon ang creativity. Hindi lang yong mga simpleng romantic comedy chick lit na naglipana ngayon. Meron itong kasamang matinding creativity na sigurado akong overflowing dahil siya si Ricky Lee, isang premyadong manunulat ng Panitikang Pilipino lalo na sa mga kuwento sa puting tabing.

Naroon pa rin yong parang nanonood ka ng sine kasi cinematic ang pagkakasulat pero ganoon talaga ang style ni Ricky Lee siguro. Hindi naman masama yon. Halos sabay ninyong ini-imagine yong scene. Gusto ko pa rin ang unang kuwento sa San Ildefonso. Next kong gusto yong parang fantasy story ni Erica na nagmula sa Madiaga kung saan ang mga tao'y di marunong magmahal. Yon palang puwede nang gawan ng isang buong pelikula.

Mahusay ito. Masining na pagkakasulat. Chick lit pero may utak. Sabi nga kasi nila, ang libro raw dapat tatlong (o minsan nga apat pa) beses dapat binabasa. Pangalawang ulit pa lang ito, 4 stars na. Paano pa kaya yong pangatlo?


Unang Pagbasa: Pebrero 2009

Pinilit ko lang tapusin talaga kasi sayang ang pera. Mas maganda siguro and impact ng dialogues ni Ricky Lee kapag spoken and not written. Binili ko lang ito kasi para naman may binabasa rin akong tagalog. In fairness, okay naman ang mga movies na sinulat ni Ricky like Himala, Oro Plata Mata, atbp. Kaya lang parang eat all you can ang dating ng nobelang ito kaya di na-develop na mabuti ang mga characters. Ang di ko lang nalilimutang tagpo ay yong nasa ilalim ng tulay ng tren sa San Ildefonso ang bidang babae at ang tibok ng puso nya ay naririnig ng lahat ng characters. Very poetic ang dating. Pero sa mga di fans ni Ricky, sasabihin walang sense.
Profile Image for HaveYouSeenThisGirL Denny.
Author 25 books2,201 followers
April 29, 2013
Unang una sa lahat, hindi ako fan ni Ricky Lee at ito ang kauna unahang libro niya na nabasa ko at natutuwa ako kasi nagustuhan ko ang kwento. Hindi nasayang ang pera ko. Ibang iba ang approach sakin ng librong ito, marami na akong nabasang kwentong pang-teenager sa edad kong 19 pero para sa akin kakaiba ang dating ng librong ito. Hindi ko mahinuha kung ano ba talaga ang kakaiba at espesyal sa librong ito, basta ang alam ko natuwa ako sa pagbabasa at dire diretso lang ako sa pagbuklat ng pahina, walang tigil. Natapos ko ito sa loob lamang ng tatlong oras. Iba kasi yung mga kwento nya, feeling ko ang daring ng bawat kwento. Isang babaeng nagkagusto sa kapatid? Isang ginang na nagkagusto sa kapwa babae? Isang babaeng kung kani kanino kumakama? Siguro marami ng kwentong ganito pero sa akin, ngayon lamang ako nakabasa ng mga ganitong tipo ng kwento kung saan hinahamon ang pagiging conservative ng mga mambabasang pilipino. (Ewan ko na lang kung hanggang ngayon ay conservative pa rin dahil wala na ako sa pinas)Saka tuwang tuwa ako sa modo ng pagkakasulat dito kasi parang hinihila ka ng bawat letra sa pagbababasa, ang smooth ng flow, tamang tama lang at talagang pinapagana nito ang imahinasyon mo na para bang nasa harapan mo lang ang mga tauhan at napapanuod mo ang bawat galaw nila. Naiinggit tuloy ako sa kanya, bilang isang amateur na manunulat ay gusto ko rin matutong sumalat ng tulad nya. Nanliit talaga ako ng sobra matapos mabasa ang libro niya, napaisip ako sa mga nasulat ko at nasabi ko na lang na parang basura yung mga sinulat ko kumpara sa librong ito. Nung una hindi ko nagustuhan yung may mga parteng ingles kasi parang biglang siningit, parang epal sa sentence, hindi bagay pero sa bandang dulo naman naipaliwanag naman kung bakit may "conjure" at "devastate" at kung anu ano pang salitang ingles.

Nakakatuwa din ang mga characters kasi tunay sila, kung kelangan nilang magmura, nagmumura sila, walang takot kung may mga mambababasang maiinis sa ganitong lenggwahe. Medyo masyadong naabuso nga lamang ang tema ng "sex", hindi naman siguro ibig sabihin na kapag may pag-ibig may sex na dapat agad. Sumubro lang sa parteng yun ang pagkaliberated ng kwento. Pero the rest is okay talaga, may kanya kanya kasing katangian ang mga characters. Tuwang tuwa ako dun sa aleng kumupkop panandalian kay Lucas, malaki ang sayad! Haha!

Sa limang babae sa kwento, si Erica ang hindi ko pinakanagustuhan pati na rin ang kwento niya. Medyo nakornihan kasi ako sa kwento ng Maldiaga atsaka medyo nakakasura ang ugali ni Erica, panay ang tingin sa hindi naman nageexist na camera.

Feeling ko si Lucas ay parang natatagong parte ng tunay na manunulat ng libro (Ricky Lee) nung teenager pa sya kasi ramdam ko na dun sa huling parte, parang sya yun. Lalo na yung mga nagsilabasan ang mga tauhan niya, parang feeling ko ginagawa niya talaga yun. Ewan ko lang, paranoid siguro ako. HAHA!

Nagandahan din ako sa ending niya, simple at tama lang.


Ang haba na ng naisulat ko, para na akong nagnobela dito. Hindi ako madalas magreview ng ganitong kahaba at kapag ginawa ko naman, isa lang ibig sabihin nun: Nagustuhan ko talaga ang kwento.
Profile Image for Henz.
233 reviews78 followers
February 8, 2017
I was rereading this book for the #BuwanNgMgaAkdangPinoy and I think that reading it the second time made me love it even more. Back then it felt like one of those tragic love stories we all read but now it made me sympathize with the characters. Or it probably had to do with me experiencing heartbreak first. Ha! Truly experience is the best teacher, and with that I was able to be sentimental with the book.
Me quota ang pag- ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.

[Love has a quota. For every five person who loves, only one will be truly happy. The rest will love the person who don't love them, will love without learning, will love no one, or will never love at all.]

In this book we follow five stories, each of them portraying the many faces of love. That Love is not all happy endings, it can be stupid, greedy and cruel and it can also ruin a person and a family but what I admire about this book is each character's realization of love. Setting love aside, this book also deals with national issues like politics, poverty and double standards. Ricky Lee was able to touch these issues and use them in the background giving it more color, making it much deeper than just a love story. The characters are well developed in such little amount of pages and each story has a great arc intertwined to achieve a greater ending. It's like reading a book within a book and I love how reading it made me feel like watching a movie.

I would totally recommend this to every Filipino, this will give you all the feels.

I've included some of my Favorite quotes and tried my best translating them but somehow it doesn't convey the same emotion.[*sigh*] Or I'm just no good at all ... LOL^^ my bad! I'm open for inputs though.**Naku Ang hirap pala ng trabaho ng book translator mga besh ha! Sumakit ang ulo ko pramis, d na yata ako uulit**
Na-realize niya na dahil ang nararamdaman niya ay hindi kayang ilagay sa mga salita, mas totoo ito, at mas totoo siya

[Her feelings can't be put to words because She realized that this is more real, and that he's more than real.]

Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo ay hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love.

[It's true what they say, that you won't end up with your great love instead it has to be the accepted kind of love (correct love)] ***I find this hard to translate*** huhuhu
Gusto niyang isiping wala na siyang nararamdaman para dito, na nakalimutan na niya ito, pero mas matinding makaalala ang puso kaysa utak.

[She liked to think that she had forgotten him along with her feelings but the heart is fiercer to remember than the mind.]
“Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”

[Everyone is given their fair share of happiness, to be hurt and fuck up, but when the doors shut, hearts are shattered and the number reached zero then it's goodbye.]
Profile Image for AennA.
49 reviews33 followers
January 7, 2012
It's phrase "Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?” caught my attention and made me read the book.

It's a heartrending narration of the complications of love. How it can change us, how it can nourish us, how it can ruin us, how it can make the happy one so lonely, and the simple so complicated. Reading this book created a big lump on my throat (it's no goiter) and made me believe that love can really be so inspiring yet if we don't know how to handle it, it can devastate us, and leave us terrible. We all thought that love is simple, and a struggle. But none of us realizes that love is indeed tragic and a lifetime struggle.

I cried after reading this.


more on personal note:

"Moderno ang approach ng kwento. Simple, pero pagdating sa huli kumplikado pala. May mga maseselang salita at eksena ang kasama sa istorya, at kung hindi malawak ang pang-unawa mo eh malamang di mo na babasahin at lalagyan ng tatak “R-18″. Sa totoo lang medyo napatigil ako sa pagbabasa at inisip ko kung magiging worth-it kaya yung pagbasa ko ng mga maseselang salitang yun para sa kabuuan ng kwento. Pero sa bandang huli, nabawi naman ng magandang konsepto lahat ng mga nakaka-demoralisadong aspeto ng istorya.

Nahahati sa limang istorya ang libro. Ang una ay yung kay Irene at Jordan. Magkakababata, nagkagustuhan at nag-iwan ng pangako ang isa na sa paglaki nila, papakasalan nila ang isat isa. Nabuhay ang isa sa pangako, sa pag-asa. Pero lahat ng yun nagunaw na lang nang ang isa sa kanila ay bumitaw sa nakaraan upang mabago lang ang buhay niya.

Yung pangalawa ay kay Erica at Jake. Nakakatawa ng atake sa istorya, makulit, simple pero kahit paano ay mararamdaman mo ang mensahe. Ito naman ay tungkol sa babaeng lumaki sa isang lugar na kung saan ay walang pag-ibig, kung saan ang pag-ibig ay isang katawa katawang bagay at kahit kailan ang pag-ibig ay di magiging bahagi ng buhay nila. Sinubukan ni Erica hanapin ang kahulugan ng pag-ibig nang makarating siya sa Maynila. Duon plinano niya ang paraan para matagpuan at maramdaman ang pag-ibig. Pero sadyang hindi niya mahanap sa puso niya ang kahulugan nito.Si Jake sa kabilang banda ay natutunang mahalin si Erica sa kabila na hindi siya nito kayang mahalin. Nag-iba ang mga kwento ng buhay nila at dumating ang pagkakataong natutunan ni Erica na ipakita ang nararamdaman niya kay Jake, bagamat hindi siya sigurado kung pag-ibig nga ang nararamdaman niya.

Ang sumunod ay kay Sandra. Ang karakter naman niya dito ay isang babaeng may buong pamilya ngunit may nakatagong masalimuot na nakaraan. Nagmahal siya ng isang maling tao. Minahal at nakipagsiping siya sa kanyang kapatid na lalake. Nabuhay siya sa isang bawal na pag-ibig at ito rin ang naging dahilan para ipagtabuyan ang kanyang kuya ng kanyang pamilya. Nagbunga ang kanilang relasyon ngunit may abnormalidad ang bata. Ngunit sa paglipas ng panahon, nakahanap din siya ng taong magmamahal sa kanya at nakabuo din siya ng isang pamilya. Ngunit sa kabila nito ay may nananatiling kulang sa buhay niya. Dahil nabuhay siyang nag-hihintay sa muling pagtatagpo nila ng kuya niya.

Ang isa pang kwento ay kay Ester. Isang perfectionist, may anak na bakla, at siya, isang lesbian. Nagkagusto siya sa kanyang kasambahay na si Sara. At nabuhay siyang umiiwas sa katotohanan ng kanyang kasarian, hanggang sa pinilit siya ng kanyang anak na harapin ang kanyang kapalaran. Nagtagpo muli sila ni Sara paglipas ng ilang taon, at duon muling nagsimula ang isang uri ng pag-ibig na hindi pa din natatapos.

At ang bida sa kwento. Si Bessie. Siya si B. Ang pinagaalayan ng kwento. Para kay B. Siya ang inspirasyon ni Lucas, na siyang nagsilbing writer ng libro. Kung paanong si Lucas ang writer gayong si Ricky Lee ang writer eh di ko na ipapaliwanag. Hindi dahil sa magulo yung istorya pero dahil kapag binasa yung libro eh andun din naman yung dahilan.

Gayunpaman, si Bessie ay labis na minahal ni Lucas. Labis labis. At dahil sa pag-ibig na ito’y labis labis din siyang nasaktan dahil kay Bessie. Itong kwento nila ang pinaka “mabigat” para sa akin. Pinaka nakakaiyak. Pinaka malungkot. Dito talagang bugbog sarado si Lucas pagdating sa pag-ibig, maliban pa sa literal na pambubugbog na nangyari sa kanya sa kwento. Kung paano umikot ang kwento sa kanilang dalawa…hanapin niyo na lang sa bawat pahina ng libro.

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang libro. Simple pero may bigat sa puso na naiwan. Hindi nito binago ang pagkakaunawa ko sa salitang pag-ibig, at tila ba pinatunayan lang nito na tama ang pagkakaintindi ko sa kahulugan nito. Hindi lahat ng nagmamahal nakukuha ang gusto nila o nakakatuluyan ang minamahal nila. May mga nagmamahal sa tamang tao para sa lang sa isang tamang panahon. Ang taong nararapat para mahalin habang buhay ay minsan hindi naman matatagpuan sa kasalukuyan.

Sa isang paragraph na nabasa ko ” Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di nila iniibig.O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.” Kung ano ang quotang sinasabi dito, saan ako kabilang? Sa apat na malungkot? o sa nagiisang magiging maligaya? Saang quota kaya ako hahabol? ang mapabilang sa nakasanayang apat o sa mapalad na isa?

Mapapansin na sa mga kwentong nailahad, dalawa lang ang sadyang nagkaroon ng happy ending. At mahahalatang sila pa ang may kakaibang takbo ng kwento- si Irene at Jordan, si Erica at si Jake. Sila ang may ending na hindi mo alam kung totoo na ba o kalokohan pa din. Ayos na sana ang drama ng buhay nila Irene at Jordan, pero bakit kailangan pang isama ang pagtigil ng lahat ng tao sa San Ildefonso para lang makinig o saksihan ang pagbitaw nila ng mga salita bilang tanda ng kanilang pagmamahalan. HIndi nangyayari ang ganuong paghinto ng paginog ng mundo. Si Erica,sadyang gawa lamang ng malikot na imahinasyon, walang totoo sa kwento niya, mula sa Maldiaga at pati sa mga ginawa niya sa buhay niya. Gawa gawa lang. Pero happy ending sila. Yun eh dahil sadya sigurong ang happy ending ay ilusyon na lang ngayon.Ayoko maging bitter. Napaka aga pa siguro para magisip ako ng ganun, pero siguro tama naman ako eh. At minsan sadyang ang perfect ending ay makukuha lang sa isang kwentong gawa gawa lang. Dahil walang happy ending, pero may happy journey.

Naramdaman ko mula kay Lucas ang isang napakalungkot na realidad pagdating sa pag-ibig. Yung kung paanong nagmamahal ka sa isang taong di ka kayang mahalin. Nagmamahal ka sa isang taong wala naman. Nagmamahal ka ng isang alaala.

At tulad ng sinabi ng isang tauhan sa libro, "malungkot ang kwento,at nadamay ako."

Profile Image for Ivy Bernadette.
137 reviews49 followers
October 17, 2014
UPDATE:

Una ko 'tong nabasa nung 2013. Hiniram ko ang kopya sa kaibigan. Pero dahil eto ang libro ng PRPB sa Sabayang Pagbabasa para sa Oktubre 2014, bumili na ko ng sarili kong kopya at binasa ko ulit. Mas naappreciate ko ang mga kwento. Dahil dyan dinagdagan ko ng isa pang star ang aking rating kaya 4 stars na 'to sa'kin ngayon.



Review on first read (3 stars)

Kung sumumahin ko ang librong ito, isang salita ang pumapasok sa aking isip: korni.

Hiniram ko ‘yung signed copy neto sa kaibigan ko. Nagustuhan ko rin naman yung istorya, kaso nakokornihan talaga ako. Parang ang pilit kasi ng dating. Okay din sana yung istilo ng pagsulat ni Ricky Lee na bagong atake sa maraming mambabasa. Kaso pakiramdam ko pinasakan nya yung mga mambabasa ng higit pa sa kaya naming linukin. Saka medyo nadismaya din ako sa Taglish na pagkakasulat neto. I mean, okay lang naman ang Taglish as long as kaya itong ipresinta ng maayos. Kaso hindi komportable yung transition ng phrases eh. Awkward basahin. Sana sa diretsong wikang Filipino na lang. O siguro mas maganda yung dating kung English dahil sa mga konsepto.


Meron itong limang istorya:
Irene at Jordan ★★★★☆
Gusto ko yung ending. Siguro nga’y yung memory lang ni Jake ang minamahal ni Irene.
Sandra at Lupe ★★★☆☆
Ayos yung konsepto ng forbidden love.
Erica at Jake ★★☆☆☆
Eto yung pinaka-ayaw kong kwento. Masyadong fantasy! Masyadong korni! Di ko rin gusto si Erica. Ang fake nya. Saka parang wala naman silang koneksyon dun sa iba pang kwento eh. Pilit masyado.
Ester at Sara ★★★★★
Gusto ko yung pagkakapresenta sa kwento. Malinaw. Makatotohan. Nakakapukaw ng emosyon. Ang ganda nung pagka-tragic nya. Maganda rin yung konsepto ng paghihintay para sa taong mahal mo kahit walang kasiguraduhan. Gusto-gustong gusto ko rin ang karakter ni AJ!
Bessie at Lucas ★★★☆☆
Nakakainis si Bessie, pero nakikisimpatya din naman ako sa kanya. May mga tao lang talagang tinatago sa kaloob-looban nila ang tunay na sila dahil sa mga naranasan nila, kaya naman pinapakita nila ay yung side nila na kunwari ay malakas at walang pakealam.

Gustong gusto ko yung dapat na ending ng limang kwento. Ang astig! Kakaiba! At binigyan ang mga mambabasa ng kapangyarihan upang piliin ang gusto nilang ending. Kaso may kadugtong pa eh. Masyadong nang nag-uumapaw sa konsepto na medyo nakakasuya na. Parang nakakahilo na. Okay n sana yung original ending eh, kaso dinagdagan pa nang dinagdagan na lalo lang nagpakorni sa libro. Pero tingin ko importanteng parte ‘to sa pananaw ni Ricky Lee eh at iyon talaga ay kasama sa plot ng nobela.

Mas gusto ko talaga yung original ending. Mas nabigyan kasi nun ng essence yung subtitle na "o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin". Mixed feelings ako sa librong ‘to kasi may mga mga pagkakataon na naiyak ako at may mga pagkakataon na naiirita naman ako. Iniisip ko tuloy kung mas maganda ang konsepto kung isinulat ‘to para sa pelikula.
Profile Image for Aldren.
23 reviews20 followers
August 27, 2012
"Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at lanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."

Limang maikling kwento, limang karakter, limang mukha ng pag-ibig.

Ang librong ito ay sadyang ginawa para imulat ang mga mambabasa sa katangahan, misteryo at hiwaga ng pag-ibig. Binigyan niya ng ibat-ibang kulay ang salitang "pag-ibig". Bagamat "iba" sa mga nakasayan nating pangyayari, mapapamahal pa rin tayo sa bawat karakter at kanilang kwento. Hayaan mong liparin ka ng sarili mong imahinasyon sa mundo ni Ginoong Lee at tuklasin mo kung ano sa limang kwento ang nangyari na sa iyo. :-)

Ngunit hindi lang kosepto ng pag-ibig ang napapaloob sa nobelang ito. Sinasalamin din dito ang mukha ng ating Inang Bayan -- ang Pilipinas. Ito ang gusto ko sa mga Pilipinong awtor, sinisingit talaga ang mga temang nationalismo, corruption, kahirapan -- ang mga nangyayari sa Pilipinas sa kanilang mga akda kahit na hindi ito punong paksa. Kahit sa ganitong paraan lang, naipapakita nila ang estado at kondisyon ng Pilipinas na kinikib-balikat ng nakararami, na hindi pinakikinggan ng gobyerno, na kailangang masolusyunan.

Mahusay ang pagkakasulat at pagkahabi ng mga konsepto't pangyayari. Satiric, may kirot, minsan naman weirdo pero lahat may laman. Sabi niya, sa bawat limang umiibig, isa lang daw ang magiging masaya. Sa puntong ito, masasabi ko na ako 'yung swerteng isa. :-)
Profile Image for Maria Ella.
527 reviews86 followers
October 22, 2012
Why do people choose to love truthfully, even we see that there are risks associated with it?

Ricky Lee's first book takes us to the journey of a frustrated-turned-aspiring-and-later-on-a-full-time writer on his sentiments of love and hurt. And of closure and of moving on.

This writer proposed a theory: Just like the law of nature and plants, the fatality of attaining happy endings when we decide to love someone is 20% - meaning, out of 5 girls who fell in love, only one will be happy.

These composed of five stories:
Irene and Jordan - five stars; how the society influences the kids' thoughts of change, of living their lives, and of their own childhood promises
Sandra and Lupe - two stars; how their emotions confused their righteousness and of correcting what went wrong
Erica and Jake - three stars; how the mind learns to be in-sync with emotions and how fate plays both
Ester and Sara - two stars; how waiting influences thinking; of playing the challenge and outliving it
Bessie and Lucas - three stars; of sentiments of learning to love and to move on

The ratings are made when the stories' endings haven't changed. The writer, upon relating whatever happened with his own "unsolved case" decided to adjust the endings - I guess my ratings will not change.

Honestly, of the five stories that he wrote, the only story that brought tears to my eyes is the first one; especially when her eidetic (photographic) memory was tested as a way to start their friendship.
"Karne." -Jordan
"ha?" - Irene
"Sabi mo 20 words. Yan ang isa." -Jordan

[CUE ELLA'S TEARS]

On the technicalities of Ricky Lee's writeup, this is confusing to teenagers. Punctuations were not properly placed. Wordings are disorganized. Souls of the characters and meta-references are mixed up. Maybe this is why it is a required read to college students - to see the mixed-up soul and the punto-de-vista of the characters, and how they will imagine the bigger picture as a reader.

Sentiments? The writer-character-and-not-Ricky is such a kid. And a masochist. And so frustrated at his life. And this kid doesn't have the personal resolve to move on. Why look for closure when you can close the case? Why influence all other stories with sadness just because you have had a tragedy? Why being dumb when you have the right to be smart?

This writer splurges an overdose of bitterness in his stories, and hell, even proposed his theory! Hay naku. Moving on is starting on a clean slate. You just have to have a clean mind before starting one.

Side-note: This book is effective to youth - my sister and I enjoyed our discussion of Ricky's creation. :)
Profile Image for Chenley Cabaluna.
166 reviews5 followers
October 16, 2012
BEST BOOK I'VE READ THIS YEAR SO FAR. NOTHING COMPARES. ONCE IN A LIFETIME. THANK YOU RICKY LEE FOR WRITING THINGS NO ONE ELSE CAN EVER WRITE. MOST OF THE LINES THERE CANNOT BE REPHRASED OR REWRITTEN AGAIN. I WAS IN A DAZE WHILE READING THIS. I WAS IN LOVE IN EVERYTHING. THIS BOOK IS BEYOND INFINITY AND PERFECTION. I CAN'T EVEN GIVE A SYNOPSIS CAUSE I DON'T WANNA RUIN THIS TO ANYONE. DO YOUR TASK. READ THIS NOW, ASAP. DON'T MISS HALF OF YOUR LIFETIME BY NOT READING THIS. :))))))))))))))))
Profile Image for Junix Jerald.
52 reviews13 followers
May 16, 2012
Ricky Lee’s Para Kay B (O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 sa Atin) consisted of five different stories and a story within the story—story-ception. It is Sir Ricky Lee’s debut novel.

I read Si Amapola sa 65 na Kabanata first before reading Para Kay B, and I must say that I loved Sir Ricky Lee’s second novel more than his first. Para Kay B was written in Taglish, it is when you start a sentence in Tagalog and end it in English. It was tolerable in Si Amapola sa 65 na Kabanata, but not in Para Kay B.

What really interested me was the tagline or the subtitle: “o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin”. Clearly, this implies statistics that out of five people, four of them are devastated by love. Each chapter told the story of Irene, Erica, Sandra, Ester, and Bessie, and the last chapter was entitled “Ang Totoong Kwento sa Totoong Kwento” or the real story in the real story. A few of the stories were disturbing, but were also amusing, nonetheless.

Each story shows love in different types of relationship. Each story demonstrates how love can control affect a person. The stories were intriguing and humorous at the same time, but the subtitle still got me thinking. In Statistics, I have learned that a sample is a part of the population; thus, in a sample, everyone in the population is represented. The thing that bugs me is that in all five stories, not one of them came from wealthy families. How can the proposed statistic be proven if the sample —Irene, Erica, Sandra, Ester, and Bessie— did not represent everyone in the population? Someone is overanalyzing things.

I loved how each character were not merely just characters in the story; Sir Ricky Lee managed to show that his characters are multifaceted. He did not limit his characters to just one aspect and it turned out okay. A character that stood out, aside from the five ladies, is AJ. I laughed really hard when he was described like a rainbow walking in their living room.

The sixth chapter, “Ang Totoong Kwento sa Totoong Kwento”, concluded all the loose strings that was left hanging in each of the stories, and I liked how it went. I felt really bad for what happened to Lucas in the end though.

Generally, I say that this is a pretty good debut novel. It gave me that feeling of sympathy for the characters that are part of the four out five people who gets devastated by love.
Profile Image for jamaicaska.
16 reviews
March 10, 2010
I used to read Ricky Lee's works when I was in college. I particularly loved Kabilang sa Nawawala(Desaparesidos) which I read in my literature class. When this book was released, I was really eager to buy it, especially after seeing a lot of good reviews from known people. I think this is Lee's first attempt to write a novel. However, this novel was a big disappointment. Reading Para Kay B is like reading your typical Pinoy love pocket books. Lacks depth, has the usual love story plot and has a very predictable ending.
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews21 followers
December 30, 2018
Very entertaining!...Unpredictable!... Twist & turns!....

Kabag sa kakatawa!...Kilig sa pag-ibig!...Kirot sa puso!...

Akala mo tapos na ang kuwento pero hindi pa hanggang sa mabuwang ka sa sarap ng pagbabasa ng aklat.

Hindi ka ikakahon sa kuwento niya.

Totoong kuwento, hayop sa galing!

Makulay ang buhay subalit nakasisilaw ang masalimuot na kulay nito.

Heaven sa sarap! dahil parang tunay na karanasan ang kinukuwento gayundin ang aral na matututunan.
Profile Image for Corinne Rhea.
14 reviews15 followers
September 6, 2022
A friend gifted me this novel from her vacation to the Philippines. Like many contemporary Filipino literature, "Para Kay B" has a theatrical flare, a sprinkle of life philosophy, and a generous cup of satire. Can't forget the occasional political affairs here and there. There were moments I laughed at the humour, became confused by the magical realism, and saddened by the novel's events. It is definitely an unforgettable collection of love stories.
Profile Image for Rise.
299 reviews37 followers
Read
April 23, 2014
Halatang pinag-isipan ng husto ni Ricky Lee ang metapiksiyunal na aspeto ng nobelang ito. May mga parteng sadyang nakakatawa (epektibo ang Taglish at colloquialism para dito). Pero hindi maikakailang may pagka-jologs at kababawan ang nobelang ito. Maraming mga emosyong ibinigay na nang lubos-lubos ng mga karakter at ng "Writer" at tila hindi na hinayaan ang imahinasyon ng mambabasa para iproseso ang mga pangyayari sa kuwento. Crowd-pleaser kumbaga. Wala namang problema sa postmodernismong paglalahad, pati na rin sa tila malapelikulang mga eksena at treatment ng kuwento. Pero ang kababawan ng ilang mga eksena ay talagang nakaka-devastate. Masyadong matapang ang timpla. Nasobrahan ang budbod ng cheese, ang sweetness ng corn, saltiness ng tears. Too much heart, nakulangan sa brain.
Profile Image for gelowmichael.
522 reviews
July 27, 2011
Sobrang ganda. kahit na maraming uhmmmmm ito, nandun kung baga yung malaman na parte patungkol sa usaping pag-ibig. Grabe. favorite kong part yung kay Irene. sad for her pero sa huli. uhm! yeah.. Happy ending. Di ko masyadong gusto yung kay Ester.:D good book Ricky Lee :D
Profile Image for ZanD.
220 reviews
May 16, 2020
Cute kaayo ni. Hehehe.

Actually wala akong alam about anything nung sinimulan ko ‘to. Nagulat nalang ako.

Me kirot yung mga story nito. Alam mo yung kirot na di sinasadya pero gustong iparamdam ng writer? May sense ba? Wala. Haha, ang gulo pero ganon. Kulit nung ending, tsaka bet ko yung pagka-meta nung kwento. I also liked the writing style! Very comfortable sa mata tsaka sa utak.

Hindi lang kasi ‘to love story eh, may politics and social issues rin. Paborito ko yung kina Irene at Jordan talaga, and I’m happy for them. <3 Ikinagulat ko yung ke Sandra & Lupe, nalungkot ako most sa story nina Erica & Jake, and satisfied naman ako sa ending nina Ester at Sara. ‘Wag na muna nating pagusapan yung kila Bessie. Hehe.
Profile Image for Yuchiyo.
49 reviews
May 3, 2012
Rate: 3.5

Una sa lahat, binasa ko lamang ito dahil sa recommendation ni Ate Leng, author ng TDG. ♥ Salamat po. :DD

Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng nobelang Filipino. Kasi, ewan, pakiramdam ko ang boring. Oo, totoo. Kahit gawa ni Bob Ong, hindi ko natatagalan. Nagbabasa naman ako kaso puro gawa lang ng mga amateur authors. Mga kabataan na sumusulat ng mga love story, yung mga kwento sa Creative Corner ng Candy at Wattpad lang talaga ang natatagalan ko. Kaya natuwa ako ng nagustuhan ko yung kwento kahit pa masyadong bulgar yung mga salita at 3rd person point of view ang gamit, mas gusto ko kasi yung 1st person point of view e.

Tinapos ko nga pala ito ng isang upuan. Umabot din ako ng 4-5 oras.:D

Nang una kong binasa ang unang kwento, hindi ko naman talaga masasabing maganda ito. Nung tinanong nga ako kung maganda daw ba yung libro, natagalan pa ako sa pagsagot pero ang nasabi ko lang ay "pwede na rin". Ang gara kasi, akala ko mga maiikling kwento lang na pinagsama-sama sa isang libro, yun pala nobela talaga. Nung natuklasan ko na ang kwentong binabasa ko ay kwento lang rin pala sa loob ng kwento, humanga ako. Ang galing, sobra. Nakakainis lang, kasi ang galing, acually nagbigay naman ng mga clue, mga 2 siguro. Naaisip ako kung bakit nga ganun, pero hindi ko na lang pinansin. haha. Para 'tong Inception, "dream within a dream", kaso ito, "story within a story" haha.

Ang pinakanagustuhan ko talaga sa mga kwento ay yung kay Sandra. Hindi dahil isa yun sa mga totoo talgang kwento kundi, I'm a sucker of incest stories. Oo, masarap kasi ang bawal. Haha. Nakakalungkot lang yung nangyari sa kanila. Alam kong malungkot rin naman yung kinahinatnan ng 5 pang kwento. Ay hindi pala, kasi si Irene naging masaya, nakatuluyan niya si Jordan.

Siguro nga naging masaya rin ang bawat karakter sa kwento. Depende sa depinisyon mo ng masaya, ika nga ni Ricky Lee.

Nakakalungkot lang na yung mismong may akda nung limang kwento, si Lucas, sa totoong buhay, ay hindi nagkaroon ng closure, ng happy ending kay Bessie. Hindi tulad ng sa kwentong ginawa niya. Siguro nga hindi rin sila nagkatuluyan sa istoryang ginawa niya pero at least na-appreciate ni Bessie na karakter yung ginawa niyang kwento para sa kanya.

Siguro nga, yung mga gusto mong mangyari, hindi laging napabibigyan, kasi hindi tayoang may akda, ang Panginoong Diyos ang may akda ng ating buhay.

Onw word o describe this book: Cool. ☺
Profile Image for Maui Rochell.
648 reviews1 follower
March 17, 2013
Ang librong 'to ay hindi ko nirerekomenda sa taong mabilis mainip sa pagbabasa at hindi marunong umunawa ng binabasa at basta lang basa ng basa.

Sa totoo lang nagandahan ako sa paraan ng pagsulat at hindi sa kwento. Ang galing kasi nasasabi ng may-akda 'yung gusto niyang sabihin ng walang preno. Walang pormalidad at napakamakatotohanan. Hindi puro arte lang. Natutuwa ako kasi nabasa ko 'tong libro na 'to at nagbigay ng inspirasyon sa akin para mas magsikap pang magsulat. Nakarelate ako kay Lucas (isa sa character ng storya) gusto niya ding maging writer kagaya ko pero hindi niya kaya na straight English ang isulat niya. Ganun din ako. Parang kulang kasi sa emosyon pag ako nagsulat ng English na kwento pero sa totoo lang takot lang siguro ako sumubok at magsanay.

Yung mga kwento sobrang bigat ng twists. Iba iba ang mararamdaman mo sa bawat storya pero may pagkakapare-pareho sila. Lahat sila ay isang malaking CAPITAL S! Maganda at maiimagine mo talaga sa utak mo kung ano nangyayari. Mapapaisip ka talaga ng mga tanong na gusto mong itanong sa author dahil may misteryo pang nakatago sa pahayag na 'yun.

Hindi rin maganda kasi may mga parte na nakakabitin at nakakainip basahin. Siguro 'yung pinakahuling chapter talaga ako naguluhan pagkatapos ng kwento ni Bessie. Pero kahit ganun, binasa ko padin.
Sabi nga dun ang lakas ng kapangyarihan ng isang WRITER.

Overall, maganda naman. :)
Profile Image for Zzonroxx.
39 reviews
January 13, 2023
Matapos ang taong paghahanap ng kopyang ito, nakahanap na rin ako na pasok sa budget! Ito ang pinakaunang libro ni Sir Ricky Lee na nabasa ko. Matagal na kong naghahanap ng mga libro niya sa kung saang panig ng Pilipinas at sa wakas ay nabasa ko na rin ang kauna-unahan niyang nobela. Tulad ng inaasahan, nagustuhan ko ito. Ang libro ay tungkol sa limang buhay at istorya na tungkol sa pag-ibig. Pero hindi pag-ibig na madalas nating nababasa't napapanood na sobrang cheesy at landi. Ang pag-ibig dito ay malalim na tinatalakay. Pag-ibig sa kapwa, kapatid, pamilya, ala-ala, sarili, at mayroon ding pag-ibig na wala. Mas nagustuhan ko ang kuwento ni Erica, ang ikatlong kuwento among the five. Habang binabasa ko ang kuwento ay naiimagine ko ito na parang pelikulang Pilipino. Maganda ang pagkakasalansan ng mga kwento't scenes. Maraming salamat pala sa pagbibigay ng discount sa akin @read_n_snitch!

Ikalawang pagbasa:
Parang walang nagbago (in a good way). Para ko pa rin itong binasa noong una kong basa sa librong ito. Andoon pa rin iyung feeling ng kagalakan, kasiyahan, kalungkutan, ang tatlong K – Kabog, Kilig, at Kirot. Para kang nanonood ng pelikula sa isipan mo. Tuloy-tuloy lang ang mga pangyayari, tuloy-tuloy lang ang daloy ng mga salitang bumubuo ng istorya sa aking isipan. Halos hindi ko ito mabitawan kahit na inabot na ng hatinggabi kababasa. Kakaiba talaga ang istilo ni Mang Ricky sa paglalahad ng istoryang iibigin mo nang tunay.
Profile Image for Luigi Espiritu.
3 reviews2 followers
October 29, 2011
"isa ka bang capital S?"

kung OO., hindi ko nirerekomenda na basahin mo ito, bakit?., simple lang lalo pang mababasag o kaya mabarag ang mga masasayang ala-ala ng nakaraan mo.

hindi mo malaman dahil sa isang banda un-usual ang bawat letrang isinusulat niya., para bang dine debunk niya ang sarili niyang katha, malalaman mo ito kung nagkaroon ng debate sa utak mo habang umaagos ang dugo ng bawat tinta habang humahagod sa utak mo ang letrang binibigkas mo.

ngunit kung ikaw ang mapilit. sige bumili ka nito sa halagang 250.

magulo ang umpisa niya kasi sa bawat tutok ng iyong mga mata ay parang gusto mo nang buksan ang susunod na pahina. magulo kasi bakit niya naisip na ma devastate ang 4 sa 5 umiibig., kung bakit ang librong to ay pinapakita kung ano ang mga nangyari sa kanila at hindi kung pano turuan ang 4 na bumangon sa kanilang kalagayan., at kung bakit ang librong ito ay hahayaan kang mangarap na ikaw ang isang karakter at pede mong mabago ang isinulat ng nagtakda. basta., maraming tanong., ang problema., ang makakasagot ay hindi ang writer., kundi ang sarili mong anino., hindi ako nagpapaka deep., masyado lang talaga sigurong nag sink-in sakin ang ipinasok ko sa ulo ko., habang gumagapang ang istorya.

ikaw...

susunod ka na bang maging CAPITAL S?
Profile Image for Jamira.
27 reviews8 followers
September 29, 2011
~*contemporary Tagalog mode*~ Actually, matagal ko nang gustong basahin ang librong 'to. Laking tuwa ko at nahanap ko na din ang kopya neto nung nakaraang linggo. Maski nang maubos ang pera ko para lang mabili 'to, keri lang. Tapos isa 'to sa limited na nabasa kong mga written works na Tagalog, aside sa Bob Ong at mga komiks tulad ng Pugad Baboy at Kiko Machine.

Anyway, sa kwento naman...Natawa ako sa ending. Pinapakita kung gaano kadiverse ang personalities ng limang bida, pati na rin yung extras. Di lang ako masyado naniniwala sa teorya na me quota ang pag-ibig. Depende lang kase 'yan. Pero I'm getting off track here again. Basta yun, light read siya. Pinakagusto ko yung kay Bessie, yung ikalimang kwento. 'Yon. Nakakabitin lang pa rin sa huli. Pero magaling ang pagfabricate sa bawat na tauhan. Tsaka hindi ganon ka commonplace ang kwento ng bawat isa. Mas nainspire na tuloy akong magbasa ng mga nobelang Tagalog na kasingganda nito.
Profile Image for Aiko.
10 reviews
March 27, 2012
"Dahil hindi mo puwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakag*go, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."

Kakaiba yung pagkakasulat ng librong to. Maraming vulgar words at x-rated scenes pero kasama yun sa istorya. Para sa akin, maganda siya kasi very realistic yung mga tauhan (well, bukod sa istorya ni Erica) at lalo na yung ending. Hindi naman kasi lahat ng istorya, nagtatapos sa happily ever after, kasama na dun yung istorya ni Lucas at Bessie. Sad but true.
Profile Image for Elaine.
119 reviews35 followers
March 5, 2012
"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig, o iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman."

Hindi ako mahilig magbasa ng mga nobelang Tagalog, lalo na ng mga love story dahil kadalasan, ordinaryo ang plot o di naman kaya ay base sa isa pang popular na banyagang nobela na ginawan ng Pinoy twist. Ngunit dahil marami sa aking mga kaibigan ang nakahiligang basahin ang nobelang ito, naisipan ko na baka may kakaiba sa pagkakahabi ng kwentong nakapaloob dito. At hindi naman ako nagkamali.

click here for the full review.
Profile Image for Gerald The Bookworm.
214 reviews320 followers
May 2, 2019
Nagustuhan ko ang limang magkakaibang kwento, lalo na yung doon sa magkapatid. Yes, that's incest, tabboo topic, blah blah blah. But this is fiction and naenjoy ko ang pagkakalahad ng storya... ng limang istorya.

Pero.

Nagulo ang utak ko nang may karugtong pa pala ito after ng limang kwento. May mga eksena na kinakausap ng sumusulat ang mga karakter na naging dahilan para mabali ang pagkakakilala ko sa mga karakter sa limang kwento. Hindi ko alam kung dahil lang sa kapasidad ng utak ko, pero hindi ko gusto 'yun. Naguluhan ako ng sobra na naisip ko... kailangan ba talaga 'to? Ang gulo! Binabasa ko na lang yung part na yun without digesting it kasi wala na akong pake after ng limang kwento.

The last part ruined this book for me.
Profile Image for Grace.
25 reviews
July 24, 2011
I remember reading this book when I was in my freshmen days. So far this book have 5 of the most uncommon stories of all time.

It's revealed in the last part that this is a frame story. I didn't get it at first 'cause I was really focusing my thoughts on the five stories, thinking which one will survive. It is revealed that one of the woman in the story is said to be real, and which the book is dedicated to.

This book is a 'script' of a male character who happens to be in love to B.

The stories were really exotic, but it was beautiful. Ricky Lee made me see the exotic faces of life and love, which young reader like I am, won't see with this young eyes we have.
Profile Image for Joyzi.
340 reviews426 followers
January 31, 2012
Salamat sa classmate ng kapatid ko na indirectly ay nagpahiram sa akin ng book na ito. Masasabi kong sakto lang ang libro. Kung nabasa mo yung mga blurbs nila Bb. Joyce Bernal at Boy Abunda, etc. maaaring maiisip mong exaggerated at OA na ang mga puri nila. Maganda naman ang book. Minsan napapangiti niya ako. May mga pagkakataon lamang na medyo corny at pilit ang mga jokes na ang sarap nang ibato ng libro sa pader. Kung naging natural sana ang mga cheesy na biro o di na niya tinangkang magbiro ng corny mas mataas pa sana ang rating na ibinigay ko.

Note: I'll post more this weekend. I'm just too busy to write a review. :)
Profile Image for Emong.
90 reviews19 followers
December 28, 2014
Sobrang aliw na aliw ako sa pagbabasa noong una inisip ko hindi ko magugustuhan dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng pinoy literature or books from pinoy authors beside kay Bob Ong. Maganda ang pagkakasulat bawat pahina ay detalye ang pagkakakwento. Witty ang approach at may nakakamanghang sense of humor. Natuwa ako sa plot at characters lalu na nung nalaman ko na konektado ang limang kwento naalala ko yung lumang pelikula noong early 2000 yung "Jologs" kung saan magkakakonekta ang buhay ng mga bida.

Maayos na flow ng story at kakaibang approach ng paglalahad ng kwento ang pambato ng libro na ito.
Profile Image for Kiefer Niñonuevo.
18 reviews3 followers
August 4, 2012
One of the few books that kept me awake in the wee hours of the night, and one of those few that I finished in just one sitting (for I'm a very slow reader). The best part of the book was the one which unravels the 5 different love stories, and it's tragic endings. But after that, everything became sort of a blur. I tried so hard to keep my focus and to just keep reading, because I believe that stories that started out to be good, should end good, but on that, I was disappointed. It came to a point where I didn't even know what I was reading anymore, but still, I kept on reading it in hopes of being enlightened, but still, no light was shed to the mystery of it all.
Displaying 1 - 30 of 446 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.