Instant o ground: What kind of coffee will keep you awake?

Alamin ang mga pagkakaiba ng dalawa.
by KC Cordero
Published Feb 24, 2024
Hand holding a coffee mug
Kung isa kang coffee lover, anu-ano ang mga konsiderasyon mo para piliin mo ang instant kumpara sa ground coffee, and vice versa?

Whether coffee lover ka o paminsan-minsan lang uminom nito, ano ang mas gusto mo—instant o ground coffee?

Nang unang maglabas ang mga manufacturer ng instant coffee noong 1901, hindi agad ito naging tanggap ng consumers.

Pero sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, at pagsulpot ng mga popular instant coffee brands, naging mabenta na rin ito.

Ang tanong, ano ang pagkakaiba ng instant coffee kumpara sa mga ground coffee na nabibili sa merkado o kaya ay inio-offer ng mga coffee shops?

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

INSTANT COFFEE VS GROUND COFFEE

Ang instant coffee ay gawa rin sa coffee beans, pero dumaan ito sa mas maraming proseso kumpara sa brewed coffee.

Gamit ang mga makina, ginigiling ang coffee beans at saka lulutuin sa planta.

Kapag naluto na, kukunin ang brew nito para maging concentrated, saka patutuyuin para maging coffee crystals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag tuyo na ang coffee crystals, sisimulan na ang pagpapakete sa mga ito.

Read: Pamilya ng OFWs nakapagpatayo ng unique coffee shop sa Pangasinan

Ang ground coffee naman ay coffee beans na pinatuyo saka iniro-roast. Kapag roasted na, gigilingin ang mga beans para maging pulbos.

Kailangan ang coffee maker—gaya ng French press, Mokka pot, Chemex, o drip coffee maker—sa pag-brew.

Photo of French press

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong unang panahon sa ating bansa, inilalaga lang ito sa takure o kaldero hanggang sa kumulo.

Sa ganitong proseso ay may latak ang kape dahil hindi nasala ang ground coffee.

Sa mga coffee machine na ginagamit ngayon, filtered na ang kape paglabas mula sa makina.

Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

CAFFEINE CONTENT, CONVENIENCE, AND TASTE

Mas kokonti naman ang taglay na caffeine ng instant coffee kumpara sa ground coffee.

Ang caffeine ng instant coffee ay may average na 30-90 mg sa isang tasa kumpara sa 70-140 mg ng ground coffee.

Mas bagay ang instant coffee para sa mga gustong moderate lang ang kanilang caffeine intake.

Read: Ang kuwento tungkol sa kapeng barako, ayon sa coffee farmer na si Lester Ledesma

Photo of instant and ground coffee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Convenient din ang instant coffee para sa mga nagbibiyahe at laging nagmamadali. Puwede itong hot or cold—in an instant.

Dapat na laging may baon nito kapag nagbibiyahe.

Kapag nagbe-bake o gumagawa ng desserts, mas mainam ding gamitin ang instant coffee para mas paangatin pa ang flavor.

Read: Coffee shop na itinayo sa halagang PHP6K, may 15 branches na ngayon

Hindi naman maitatanggi na may pagkakaiba sa linamnam sa pagitan ng instant at ground coffee.

Siyempre, may advantage ang ground coffee dahil hindi ito dumaan sa iba’t ibang proseso kaya taglay nito ang natural na lasa, aroma, at tapang ng kape.

Ang mga unang na-produce na instant coffee ay karaniwang matabang o kaya ay mapakla ang lasa—at gawa mula sa Robusta beans.

Sa pag-unlad ng teknolohiya at sa pagdami ng manufacturers, nag-improve ang lasa ng instant coffee na halos kasingsarap na rin ng ground coffee.

Hindi lang isang klase ang instant coffee ngayon dahil may iba’t iba na ring flavor, at mayroon na ring 3-in-1 o may kasamang sugar at creamer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Lazy" student starts cold-brew business; now earning up to PHP15,000 a day

WHAT YOU SHOULD KNOW ABOUT SHELF LIFE OF COFFEE

Kung bibili ng instant coffee, gaya ng pagbili ng ground coffee ay tingnang mabuti ang label.

Ang instant coffee na gawa mula sa Robusta beans ay medyo mapait.

Sanhi ito ng pinagdaanang drying process na nagiging dahilan para ang instant coffee ay maging medyo acidic.

Para makasiguro na hindi mapait at acidic, tiyakin na ang prosesong pinagdaanan nito ay freeze dried sa halip na spray dried. Makikita ito sa label.

Read: Coffee shop sa gitna ng palayan? Tara sa ag.KAPI.ta sa Pangasinan!

Guys drinking coffee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Technically, ang ground coffee ay hindi nasisira kaya huwag mag-alala kung mag-brew kayo ng pulbos na luma na.

Iyon nga lang, nababawasan ang aroma nito at nagiging matabang ang lasa.

Ang pakete ng ground coffee na hindi pa nabubuksan ay napapanatili ang sarap nito sa loob ng isang taon.

Pero kapag nabuksan na, unti-unti nang mababawasan ang sarap nito makalipas ang dalawang linggo, pero tatagal pa ito ng hanggang anim na buwan.

Ang instant coffee ay maaaring tumagal nang hanggang dalawang taon kung selyado sa lalagyan, pero hanggang anim na buwan lang kapag nabuksan.

Maoobserbahan ding may mga instant coffee na naninigas sa lalagyang nabuksan na pagtatagal.

Read: Award-winning barista, nakapagtayo ng cakes, pastries, coffee shop sa puhunang PHP1K

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung isa kang coffee lover, anu-ano ang mga konsiderasyon mo para piliin mo ang instant kumpara sa ground coffee, and vice versa?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results