You are on page 1of 2

25 Marso 2010

Ministro EDUARDO V. MANALO


Tagapamahalang Pangkalahatan
Iglesia Ni Cristo
Central Temple, Lungsod Quezon

Mahal kong KA EDUARDO:

Bumabati po ako sa inyo ng isang magandang araw at nawa ay


hindi po maging kalabisan ang patuloy kong pakikipag-ugnayan sa
inyo para hingin ang inyong napakahalagang payo.

Buong pagpapakumbaba po akong muling dumudulog sa inyo para


maihayag sa inyong harapan ang kasalukuyang kalagayan ng aking
pangangampanya sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Nagagalak
po ako sa mainit na pagtanggap sa akin ng mga kababayan natin sa
maraming lugar at ayaw ko pong mabigo sila sa mga inaasahan nila
sa akin na maging mabuting pinuno ng ating pinakamamahal na
bansa.

Ka Eduardo, akin pong ipagtatapat sa inyo na tunay pong nasa


inyong kamay ang aking pag-asa na maisakatuparan bilang pinuno
ang mga kinakailangang pagbabago sa ating bansa na noon pa man
ay hangad na ng tao.

Sana po ay pagtiwalaan ninyo ako sa aking taos-pusong hangarin na


manguna sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa gobyerno,
isang gobyerno na hindi dapat pamahayan ng mga tiwali at
mandarambong.

Bagama’t akin nang ikinalulugod na nag-ukol kayo ng inyong


mahalagang oras para basahin ang aking sulat-pagsusumamo, wala
po akong pagsisidlan ng kagalakan kung papayagan po ninyo ako
na muli kayong makaharap, sa lugar, araw, at oras na inyo pong
nais.

Ang atin pong muling pagtatagpo ay magbibigay sa akin ng ibayong


lakas ng loob, karagdagang enerhiya, at lalo pong magpapatibay sa
akin na maipagpatuloy hanggang sa dulo ang aking laban.

Kalusugan po ay laging sumainyo, Ka Eduardo. Lumawak pa nawa


ang pananampalataya ng inyong Kapatiran at patuloy na maging
daan ang Iglesia Ni Cristo para sa mga pagbabago sa ating lipunan
at kapakanan ng mamamayan.

Maraming salamat po.


Lubos na gumagalang,

You might also like