You are on page 1of 25

Mga Liham ni

Rizal
GROUP XI
LIHAM

Ito ay nakasulat na
komunikasyon
para sa isang tiyak
na taong
patutunguhan nito.
Sulat sa Papel
Karaniwan itong nakatiklop
sa isang selyadong sobre

Digital na Liham
Ito ay tumutukoy sa lahat ng
mga elektronikong
komunikasyon na katulad ng
liham
Mga Bahagi ng Liham
1. PAMUHATAN
Ito ay binubuo ng
tirahan ng sumulat o
pinagmulan ng liham.
Narito rin ang petsa
kung kailan ginawa
ang liham.
2. BATING PASIMULA

Ang bahaging ito ay


ang pagbati ng taong
sumulat sa kanyang
sinusulatan.
3. KATAWAN NG LIHAM
Ang bahaging ito
ang pinaka paksa ng
liham. Ito ay ang
mensaheng ihahatid
ng susulat sa
sinusulatan
4. BATING PANGWAKAS

Ito ay ang bahaging


nagsasaad ng bating
pangwakas ng liham.
Nagsisimula sa
malaking titik ang
mahalagang salita sa
bating pangwakas at
nagtatapos sa kuwit.
5. LAGDA

Ang lagda ang


nagpapakilala kung
sino ang sumulat.
Mga Liham ni Rizal
Liham ni Rizal sa kaniyang minamahal at dinadakilang ina:

Maynila
Ginang Teodora Alonzo
Pinakamamahal kong Ina,

Kahapon, ng ika-3:10 ng hapon, ay dumating ako sa Maynila nang walang ano mang
kapansanan at may napakagandang panahon.
Natagpuan ko ang bayaw kong si Antonio at si Dando sa bahay ng kapatid niyang babae, at
kinumusta kayong mga naririyan.
Nagsisimula na ang aking mga pag-aaral; binabalak kong humingi ng ilang araw ng
pagliliwaliw upang maparaan sa piling ninyo sa dahilang diyan lamang ako nasisiyahan.
Wala ng iba, magiliwing ina, kumusta sa mababait kong mga kapatid at mga bayaw, gayon din
sa aking mga kaakit-akit na kapatid na babae. Ako nawa ay basbasan ninyong dalawa ni Ama.

Ang inyong anak na nagmamahal sa inyo nang buong puso,


JOSE RIZAL
Liham ni Rizal sa kanyang Impong Ilyang:
Ginang Basilia Buazon de
Leyva
San Jose, bilang 3
Calamba
Ika-13 ng Abril, 1877
Minamahal kong Impong Ilyang,

Tanggapin ninyo sa may dala nito ang walong salop at kalahati ng kakaw na ang halaga ay 14 piso at
7 sikapat. Wala pa ang naaani ng ina ko hanggang ngayon kundi ito at nagpabili siya sa bundol, alalaong
baga ay sa mga naninirahan sa bundok upang makapagpadala pa sa inyo. Tinanggap namin ang kape ni
matandang Teang datapwat sira na.
Sinasabing ang larawan ay may kapintasan o mga kapintasan aywan ko kung nararapat tayong
kumuha niyon. Kung hindi tututol ang tagakuha ng larawan, sa palagay ko’y isang dosena lamang ang
nararapat nating kunin.
Mag-utos kayo sa inyong apong buong pusong nagmamahal sa inyo

J. RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Manuel T. Hidalgo:

Madrid
Ika-27 ng Nobyembre, 1882
G. Manuel T. Hidalgo
Minamahal kong bayaw
Tinanggap ko ang sulat ninyo noong ika-19 ng kasalukuyan na sa akin ay nagpapatalastas ng maligayang balitang labis kong
kinalulugod, at dinaramdam kong sa papaano mang paraan ay hindi ko maaaring madaluhan at mapakilahukan ang inyong kasiyahan.
Lubhang kakaunti ang mga balitang maibibigay ko sa iyo, sapagka’t nauukol sa akin ay ipinadala ko na sa sulat sa ating mga
magulang. Tungkol sa mga balitang nauukol sa pulitika ay mababasa na ang karamihan sa Diariong Tagalog na pinagpadalhan ko ng
isang lathala.
Gayunman ay ibabalita ko sa iyo ang isang pangyayaring nakatawag ng kalooban ng marami dahil sa sariling-sarili at maliwanag
na naglalarawan ng ugali ng isang bansa. Noong una ay mayroon ditong isang libo na Italyano, na nagngangalang Barghosi, na
tinatawag sa makina ng tren. Nagtungo sa Saragosa at sinasabing siya ay tinalo ng isang taga-Aragon na nagngangalang Bielsa.
Naghamunang muli sa lunsod na ito at si Barghosi naman ang nanalo; sa gayon, ang bayang galit na galit dahil sa pagkatalo ng kanilang
kababayang si Bielsa at pinag-apuyan ng gayon lamang na poot sa Italyano, na pinagtutulung-tulungan itong pukulin ng mga bote,
sapatos, tinapay at iba’t iba pa. Ano ang sasabihin ng Italyano sa gayon?
Mangyaring ihatid lamang ninyo ang aking pakikidalamhati sa mga angkang namatayan ng kamag-anak, samakatuwid baga’y sa
mga angkang nakauunawa at naghihintay ng mga ganitong kaugalian sa pagsasamahan.
Sa lahat ay ipinahahatid ko ang mabuting hangad at mahigpit na yakap, at isang halik kay Alfredito, na ninanais kong alagaan
ninyong mabuti upang siya ay lumaking walang sakit at malakas.
Ang iyong
kapatid,
RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Maria:
Madrid
Ika-30 ng Disyembre, 1882
Binibing Maria Rizal
Minamahal kong kapatid,
Tinanggap ko ang iyong maikli, ngunit masaganang sulat; puno ng masasaya at nakatutuwang balita. Hindi ko inaantay na ako ay
masulatan pa ni tatay at nanay, lalung-lalo na si nanay dahil sa kalabuan ng kaniyang paningin; matang pinag-iisipan kong gamutin kung ako ay
makauwi. Ang ikinalulungkot ko lamang ay wala akong itinagong sulat ni tatay na aking mabasa-basa. Lahat sana ng aking sulat sa Kastila na
may simulang “Mis queridos padres y hermanos” “Minamahal kong mga magulang at mga kapatid” ay inyong tinago, dahil sa siya kong
pinagsusulatan ng lahat na nangyayari. Kung ako’y maka-uwi riyan ay aking titipunin at paglilinawin.
Alamin mo kung ano ang kalagayan nila... at ang mga bilin ng kaawaawang nag-alaga sa atin. Sa mabait mong kalooban inaasahan kong
hindi magiging gayong gayon.
Sabihin mo sa tatay na aking nakita ang kometang mahaba ang buntot ng isang gabing kami nila Sangsianco, Paterno at ako’y manggaling
sa bahay ni Don Pablo. Ang buntot ay mahaba at kung sumipot ay simula sa ala-una hanggang alas-sais ng umaga.
Mabuti at si Anding ang nariyan sa atin, paano’t paano ay dating kakilala. Sina Tibusi ay tila manding aking pang naiwan kina Sidra...
Akala ko kayo ay sawang-sawa sa pamimitas ng bungang-kahoy at pamamangka sa ilog; gabi at araw at namamasyal. Kung ako sana ay
nariyan, tayo ay mangingisdang parati.
Lumalim ba sa dati ang ating ilog? Pagbalik ko, ako ay magsasagawa ng paliligo. Di ka maniniwalang mula pa ng kalahatian ng Agosto ay
hindi ako naliligo at hindi naman ako nagpapawis. Ganoon dito. Totoong maginaw at totoong mahal ang pampaligo. Tatlong bahagi ang bayad ng
bawat isa.
Sabihin mo kay Milo ay kumusta nang maraming-marami (kung hindi na duling) gayun din kay Teang, Delfina at Tonyo. Wala ako sa
kulambo ni Panya, ni Barselona, kundi sa Madrid. Ang aking kasama sa bahay ay si Vicente Gonzales, kami lamang dalawa. Araw-araw ay
nahuhulugan ng ngipin at palaging sinasaktan... Ang aming tinitirhan ay ganito ang pagguhit ng pagkaka-ayos ng tinitirhan. Kami ay may apat na
malalaking salamin. Ikumusta mo ako kay Sra. Ipia at kay Baldo. Gayon din naman kay Loleng, Sula, Marcosa at Vitoria, huwag din ikamong
makalilimot. Ang iyong kapatid,
RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Josefa:

Madrid
Ika-30 ng Disyembre, 1882
Binibining Josefa Rizal
Minamahal kong Pangoy,

Tinanggap ko kahapon ang inyong sulat na dalawa ni Señora Maria. Nang huwag kayong magsabi na hindi ko kayo
sinasagot, ay susulatan kita kahit na ako ay kakapusin yata ng panahon. Labing-apat na sulat ang aking natatapos at maikli sa lahat
ay ang sa iyo dahilan sa naubos na ang aking sasabihin.
Hinihintay kong ako ay datnan ng mga haleang bayabas na akala ko ay gawa ni tatng at ni Señora Neneng dahilang mas
nag-impok sa akin dine. Huwag ninyo akong hiyain. Sa Karnabal na darating ay isusuot ko ang aking barong gasa, kung nandito
sana ang salakot kong sungay ay inaakala kong sila ay magugulat. Sayang at hindi ko nahingi.
Si Trining ay hindi sumusulat sa akin; anhin ko si Choleng na wala sa bahay, baka ayaw pasulatin o hindi pinasusulat.
Gayunman ay kayo o ikaw ay sulatan mo akong lagi at nang ikaw ay mabihasa. Inyong pagpisan-pisanin ang lahat ng sulat sa
isang sobre at inyong timbangin, kung wala sa 15 gramos, o alin pa ay di pa lampas sa isang selyo. Kaya ganito ang sabi ko, ay tila
kayo natatakot baka bumigat ang sulat.

Gayon din ang bilin ko kay Señora Sisa.


Akala ko ay palagi kayong maingay diyan sa bahay kung napapariyan ang mga kaliitan. Hindi man din kayo magkamayaw
sa mesang ipil, ibig ko sana kayong makita sa isang butas ng kosmorama. Huwag mong antaying ako ay pumuti at magmukhang
Kastila.
Nariyan ba si Sra. Ipia? Kung tumatawa ba ay maliit pa rin ang mata? Kumusta kay Trining Ang iyong kapatid,
RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si Paciano:

Madrid
Ika-30 ng Disyembre, 1882
G. Paciano Rizal
Minamahal kong kapatid,
Tinanggap ko ang iyong sulat ng ika-13 ng Nobyembre at nabatid ang doo’y nilalaman.
Nakatanggap ako kay Tiyo Antonio ng 50 piso, na hindi ko inaakalang sa atin galing at gayunman ay napapanahon ang pagkakarating sapagkat
hinihintay ko ang buwanang pensiyon ng Disyembre; hanggang ngayon ang paniwala ko ay ang kahuli-hulihang 100 piso na tinanggap ko ay ukol sa aking
mga ginamit sa taglamig at matrikula.
Ikinagagalak kong sabihin na di pala ang iyong pagkakaunawang ang halagang nakagawian mong ipadala sa akin, na sapat at may labis pa sa
Barcelone, ay hindi nagkakasya dito na ang mga gugugol ay dalawang ibayo. Apatnapung duro ay nakasasapat kung mamumuhay nang matipid at hindi
gugugol sa damit. Sa halagang ito ay makapapasok minsan isang linggo sa dulaan ngunit hindi na hihigit pa sa minsan lamang. Marahil ay may malalabi pang
isang duro o dalawa sa isang buwan sakaling hindi nagkaroon ng di-pangkaraniwang mga gugol. Isa sa mga bagay na lubhang nakapagpapayat sa bulsa ay
ang labada, mga sikulate at mga kape, sapagkat yamang ako ay nakatira sa isang na totoong maginhawa ang aking kalagayan, at kumakain sa iba, ay
napipilitan akong magagahan sa ibang pook sapagkat walang agahan sa kinakainan ko. Sa halagang 50 piso ay maluwag na maluwag na ang isang tao at
maaari pang makapagtipid para sa panahong gipit.
Inaari kong isang dakilang biyaya ng tadhana ang hindi natin pamumulubi sa napakaraming sakunang nangyayari riyan.
Umaasa akong pakikinabangan at maaani mo ang asukal taglay ang kasanayan at kapalaran gaya ng dati, sapagkat sa gayon ay maaaring matupad ang
isa sa mga hangarin ko na dili iba kundi ang makita ka dito ng isa o dalawang taon at si Marianito, Neneng at iba pa na naghahali-halilinan. Kinakailangang
maglakbay
Binabalak kong sa Hunyo ay pumaroon sa Paris o sa Roma, hindi ko pa napasisiyahan, kung magpapakaganap ako sa Pranses na mabuti na ang aking
pagkakaalam o kaya ay tutungo sa Roma upang malasin ang mga bantayog at matuto ng Italyano. Kapag walang nalalamang wika ay malaki ang nagugugol at
masama ang nagiging paglalakbay.
Sabihin mo sa iyong mga kaibigan, sa mga maykaya, na inaanyayahan ko ang kanilang mga anak na pumunta sa mga pook na ito. Ninanais ko sanang
ang susunod na salin ng lahi, ay maging isang salin ng lahing liwanag, maningning, matalino at maunlad kapwa sa mga mamamayang Pilipino.
Ang iyong kapatid,
RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Silvestre Ubaldo:

Madrid
Ika-17 ng Enero, 1883
G. Silvestre Ubaldo
Minamahal kong bayaw,
Natanggap ko ang iyong sulat ng ika-23 ng Disyembre at natanto ang doo’y nilalaman. Nagpapasalamat ako sa katiyagaan mo sa pagsulat
sa akin ngunit ipinatatalastas ko sa iyo na ang iyong dalawang minamahal kong sulat, nguni’t ipinalalahay kong hindi mo pa natatanggap ang
kasagutan dangan ng kalayuan
ng mga pagitan.
Dinaramdam kong lubos ang hindi mo na pagkabalik sa ating bayan at nang kayo ay magkatipun-tipon, isa sa mga nasa ko at pag-iisip.
Kasiraan ng mga tungkol sa hari.
Natuwa ako sa ibinalita mo sa akin na si Sra. Ipia ay umuwi sa Calamba noong magpapasko dala ang aking masasayang alaala sa mga
kaarawang yaon.
Di ko na sasabihin sa iyo ang mga ibang pangyayari sa akin sapagkat nasabi ko na sa mga sulat sa bahay, kung sakali at ikaw ay maka-
uwi ay iyong mahihingi.
Sa Ministeryo ay titingnan ko kung ikaw ay magagawan ko ng mga magaling; ngunit kakaunti pa ang aking mga kakilala. Kung hindi
sana malaki ang iyong pag-asa sa iyong sinimulang katungkulan, at inaakala kong malaki ang kabutihan kung ikaw ay magpatanim ng lupa.
Ngunit sayang namang iwan ang isang bagay na sukat mong ipagkapuri.
Mabuti at wala na akong sukat hilingin sa aking kalagayam gayundin naman sa buti ng katawan siya ko ring ninanasa sa inyong mag-
asawa. Ipakumusta mo ako sa iyong mga kapatid at kay Sra. Ipia na totoo ang akala kong mataba. Huwag kamong humisol-hisol.
Ito na lamang.

J. RIZAL
Liham ni Rizal para kay Dr. Meyer:
37 Calcoat Crescent,
Primrose Hill, N.Wl, Londres,

Ika-27 ng Pebrero, 1889


Dr. A.B. Meyer
Ipinakatatangi kong Ginoo,

Dinaramdam kong ipagbigay-alam sa inyo, na katatanggap ko lamang ng isang mapag-bigay loob na sulat ni Dr.
Niumann, na nagsasabing dahil sa karamihan ng kaniyang gawain ay hindi niya matatanggap ang pagiging Kasangguniang
bokal ng Samahan.

Kung inaakala ninyong hindi maaaring makakita ng ibang ginoong makakahalili, ay kikilanin kong isang malaking
utang na loob sa inyo na sabihin sa akin upang maialok ko sa inyong mapipili at sakali namang hindi, ay mapipilitan na
tayong magpatuloy nang walang mahalagang tulong ng mga Colandes, bagay na dapat damdamin.

Inihihingi ko sa inyo ng maraming pagpapaumanhin ang mga kaabalahang idinudulot ko sa inyo.

Ipinagkakapuri kong ihandog sa inyo bilang lingkod na nakalaan.

JOSE RIZAL
Liham ni Rizal para kay Sixto Lopez:

2 Rednaxela Terrace, Hongkong


Ika-22 ng Pebrero, 1892

Piling kaibigang Sixto,

Hindi ako nakatagpo ng wiski na ang tatak ay John Pomer, kaya hindi na ako nangahas bumili. Sulatan mo ako uli
upang bigyan ako ng ibang tatak. Ang piyesa ng dril (jipijapa) at nagkakahalaga ng 20 piso bawat isang piyesang may 40
dipa. Inaakala kong magiging lalong mabuti, sapagkatang hinihapang ito ay hindi karaniwan diyan sa mga mag-aaral. Ang
piyesa ng dril na de hilo na may mga guhit na pahalang ay nagkakahalaga ng 23 piso; ayokong ibili ka ng karaniwan.

Yamang hanggang ngayon ay hindi pa ako nakikipagkita sa mayordomo, nangangamba akong baka mangamatay sa
paglalakbay. Kapag nakausap ko na ang Mayordomo, ay saka na ako magpapasiya. Tungkol sa bibiling biskuwit, ay saka na
kita padadalhan sa pamamagitan ng Mayordomo ring iyon, sapagka’t hindi naman mahirap dalhin ang mga iyon sa
paglalakbay.

Mag-utos ka ng anumang naisin mo.

Magiliw na sumasaiyo,
RIZAL
Liham ni Rizal para kay Pastor Ulmer:

Jagerstrasse 71, Berlin


Ika-10 ng Mayo, 1887

Mahal na Pastor Ullmer,


Umaasa akong natanggap na ninyo ang aking aklat na ipinadala ko sa inyo noong buwang nakaraan. Ngayon ay nangangahas akong magpadala
sa inyo ng aking retrato at humingi ng inyong retrato. Uuwi na ako sa amin.
Bukas ay tutulak ako buhat dito, maglalakbay ako ng daraan sa Dresden, Leitmeritz, Praga, Viena, Munchen, Nuernberg Konstranz, Basel at
Genoa. Sakaling kayo ay susulat magpapadala sa akin ng inyong larawan, ay ipadala ninyo sa Genoa (Pagpapadalang Pangkalahatan). Darating ako
roon ng mga ika-20 ng buwang ito.
Tinanggap ko ang mahal na sulat ni Federico at pinasasalamatan ko siya nang marami. Susulatan ko siya buhat sa Viena at marahil ay may
ipapadala ako sa kaniya.
Sakaling susulat kayo sa akin, pagkatapos, ay ipadala ninyo ang inyong liham sa Kapuluang Pilipinas.

Ginoong Dr. Jose Rizal

Calamba, (Laguna de Bay)

Mga pagbating pangmagkaibigan sa mahal na maybahay ninyo, kay Eta, na marahil ay malaki na, at kay Federico. Manatili kayong malusog.
Pahabol:
Buhat sa Heilbornn ay baka makapariyan kami, ang kababayan ko at ako, sa Heidelberg, at dadalawin namin kayo minsan pa. Paalam!
Tapat na sumasaiyo,
(Nilagdaan) RIZAL
Liham ni Rizal para kay Federico:

Munchen
Ika-20 ng Mayo, 1887

Mahal na Federico,
Umaasa akong hindi mo ikinagalit ang pagkabalam ng pagsagot ko sa iyong kalugud-lugod ng sulat. Upang sabihin sa iyo ang totoo ay wala
akong sukat
maibalita sa iyo; ang ibig kong sabihin ay walang mahalagang bagay, kaya hindi ako makasulat sa iyo kahit isang talata.

Malapit na akong umuwi sa aking bayang tinubuan at hindi na ako makakabalik marahil dito. Sa paglalakbay ay daraan ako sa Suwisa, Italya, at
iba pa. Sakaling may ninanais kang anumang bagay ay sumulat ka sa akin, at gagawin ko ang lahat upang pairugin ang iyong bilin.

Ang tirahari ko ay:


“Ginoong Jose Rizal
Calamba (Laguna de Bay)
Kapuluang Pilipinas”

Ipakisabi mo sa butihing maybahay ng Pastor, ang iyong ina, na pagkarating ko sa bahay ay susulatan ko siya. Kailan man ay hindi ko malilimot
na siya’y napakabuti, gaya rin ng iyong ama, sa akin, noong ako ay isang di-kilala, walang mga kaibigan at kakilala. Ang pinakamabubuting mga araw
ko ay aking pinaraan sa Rusya at Austriya, sapagkat sa mga nasabing pook ay may mga kaibigan akong magiliw na kumupkop sa isang tiga-ibang
bansa.

Kailanman ay di ko malilimot ang Wilhelmsfield at ang mapagtuloy na bahay ng ministro doon. Niyayakap ka ng mabuti mong
kaibigan,
RIZAL
Sa Aking Bayan

Sa kasaysayan ng mga dinaramdam ng tao ay kabilang sa isang sugat na lubhang napakasama na sa munting masalang
ay sumasakit at nagbibigay ng matinding kirot. Kailanma’t sa gitna ng mga bagong sibilisasyon ay tinangka ko ang kita ay
banggitin, upang taglyain ang iyong alaala o upang ipantay kita sa ibang bayan, ay namamalas ko ang kagiliw-giliw mong
larawan na may gayon ding sugat sa pamamayan.

Sa pagnanasa ng iyong ikabubuti, na siya rin namang ikabubuti namin, at sa paghanap ng lalong mabuting paraan, ay
gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao sa unang kanilang mga maysakit; inilalantad sa mga baitang ng simbahan ang
mga maysakit upang ang bawat manggaling sa pagdalangin sa Lumikha maghatol sa kanila ng isang kagamutan.

At dahil dito ay nagpupunyaging mailarawang buong-buo, nang walang kapangi-pangimi, ang iyong kalagayan, itataas
ko ang bahagi ng tabing na nakatakip sa kasiraan, ipaiilalim ang lahat ng dahil sa katotohanan, sampu ng paglingap sa sarili,
sapagkat sa dahilang anak mo ay taglay ko rin ang iyong mga kasiraan at karupukan ng loob.

JOSE RIZAL
Europa 1886
Pakikipagsulatan ni Rizal sa mga Tagapagpalaganap

Ang hugis ng “La Solidaridad”: Mapanghawak sa matuwid, mahinahon at maliwanag. -


“Kung walang 1872 ay wala sana ngayong Plaridel, ni Jaena, ni Sancianco; kung walang
1872, si Rizal sana ngayon ay isa ng Hesuwita”. – Huwag mabalita dahil sa ang ilan ay
nalagas. Ang katunayan ng puso at ng apoy. Ang kulay ng taong magbibigay halimbawa sa
bayan at makapagpapasiglang gaya ng mga martir na Kristiyano. Walang nakaalam kung
paano ang magiging ayos sa sandali ng kamatayan, nakaririmarim ang mamatay sa bitayan ng
bata pa at may mga isipan sa ulo. “Ang araw na makita ninyo akong nasa mga kuko ng mga
prayle, ay sikapin ninyong maglagay ng iba sa kinaroroonan ko upang maghiganti.”
Liham buhat kay Rizal para kay Ponce at sa mga kasama sa “La Solidaridad

18 Rua de Rochechouart,
Paris
Ika-18 ng Abril, 1889
Minamahal kong kaibigan,

Tinanggap ko ngayon ang sulat mo sampu ng Solid. Totoong magaling ang numerong ito, at pagaling nang pagaling.

Kay Graciano:
Ikinatutuwa ko ang hindi pagkalabas ng artikulo ko laban sa “La Defensa”, sa susunod ay mailalathala na ninyong may pagkakabago,
dagdagan o alisan ng inyong maibigan, kalakip ang mga talang makukuha kay Escosura na ipinadala ko kay Plaridel. Ang hugis ng pahayagan
ay gaya ng ibig namin dito: mapanghawak sa matuwid, mahinahon, maliwanag ang tandisan, at malaman. Binabati namin ang lahat.

Ipinadala ko kay Naning ang isang sulat-kamay upang maipalimbag diyan. Nais kong maiwasto ang mga pruweba. Ang magugugol sa
Koreo, sa pagpapadala at iba pa ay ilagay mo sa ngalan ko at ipadala sa akin ang dapat bayaran upangmapadalhan kita ng kuwalta, sakaling
magkulang.

Tungkol sa mga pagbibilanggo, ay ngayon lamang natalos sa pamamagitan ng pahayagang “La Solidaridad”, ang sanhi kung bakit sila
nanggipit. Gagawa kami ngayon ng nararapat gawin sapagkat ang pagkakaroon ng mga aklat na laban sa prayle ay hindi isang kasalanan. Tangi
rito ang lahat ng ito ay kalagim-lagim, at kung totoo ngang dapat damdaming parang isang kasawiang sarili, ay dapat namang palakpakan na
parang isang kabutihan ng lahat.
Liham kay Trinidad ni Rizal

Ang mga handog ni Josephine


(Salin ni Ben Cailles Unson)

Tatanggap ka ng isang kahong isda, kakaw, at mga aklat. Ang isdang daing ay galing kay Binibinig J. at ipamamahagi mo iyan
kina Neneng, Sra. Sisa, sa mga ale at kay Nor Gino. Ang mga aklat ng musika ay regalo ni Binibining J. kina Angelica at Delfina.

Masayang dumaan sa amin ang Pasko, gaya ng dati. Naglitson kami ng Bulaw at nagluto ng manok; inanyayahan namin ang
aming mga kapitbahay; nagsayawan kami hanggang madaling araw. Noong Disyembre 31 ay hindi kami natulog hanggang
makabagong-taon.

Higit na mabuti si Binibining J. kaysa pagpapakilala sa kaniya ng marami, at iniwawasto naming dalawa ang kaniyang mga
pagkukulang. Siya ay mapagkumbaba, masunurin, at hindi matigas ang ulo; tangi sa rito, siya’y maawain. Ang kulay na lamang sa amin
ay ang bumayad kami ng pari, ito lamang ang kulang sa amin, hanggang ngayon ay di pa kami nagkakagalit lagi kaming masayang
nagbibiruan. Maaaring sabihin ng madla na ito ay isang alingasngas. Napakamaalingasngas ang mabuhay nang maligaya kaysa
maraming mag-asawa. Kami ay gumagawa at nasisiyahan kami. Siya ay nagsisikap na magaling upang maging kaibigan mo. Ngunit ano
ang sasabihin ng mahahabang-dila? Kung paparito ka at ayaw kang tumira sa aking tahanan makapagbubukas ka ng
tindahan sa bayan.

Ipinapaabot ni Binibining J. ang pinakataos niyang pagbati... –


Dapitan, Enero 15, 1896

You might also like