Lyrics

Tila nawala saya sayong mga mata Para bang kay layo kahit pa kasama ka Bawat salita ay may bagyong dala Ramdam ang lamig, Ika'y nagbago na Ano ba'ng nangyari at bakit nag-iba 'Di man sabihin napapansin ko Tinatangay ng hangin ang pag-ibig mo Sana ay sabihin mo Ako pa ba'y nasa puso mo Nadaramang lumalayo Pag-ibig ay naglalaho Kumapit sana't wag sumuko Bumibitaw pag hawak ko ang 'yong kamay Pagmamahal mo bakit ngayon ay kay tamlay May nagawa bang mali Wala na bang pagtingin Sabihin mo sa akin Kung anong kailangang gawin Oras na nga ba para palayain ka 'Di man sabihin napapansin ko Tinatangay ng hangin ang pag-ibig mo Sana ay sabihin mo Ako pa ba'y nasa puso mo Nadaramang lumalayo Pag-ibig ay naglalaho Kumapit sana't wag sumuko Ohhh Ohhh Kaya pa ba natin Ako'y sagutin Nararamdaman kong lumalayo kana sakin Ngunit kung may pagasa Subukan pa sana Paano na tayo kung mawawala ka Sana ay sabihin mo Ako pa ba'y nasa puso mo Nadaramang lumalayo Pag-ibig ay naglalaho Kumapit sana't wag sumuko Kumapit sana't wag sumuko
Writer(s): Stephanie Razado Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out