Liham Para sa Aking Iniibig

1.3K 14 8
                                    

Para sa aking sinisinta na nagngangalang Kurt,

Sabi mo noon, saglit ka lang mawawala. Sabi mo, babalik ka. Nagulat na lang ako ngayon. Kasal ka na pala.

Bakit? Bakit kailangan mong durugin ang puso ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka? Masakit. Masakit masyado pero may isa akong pinaniniwalaan: Na tayo pa rin hanggang sa huli. 

Aba! Kasal ka lang naman. Kahit SABunutan pa ko ng asawa mo, ipaglalaban kita. Kung ang kontinente nga naghihiwalay mag-asawa pa kaya?

Siguro sa liham na ito kitang kita ang pagiging desperada ko. Pero wala akong pakielam. Handa akong mawalan ng dignidad mapasaakin ka lang. 

Hindi mo na ba naaalala ang mga panahon na tayo ay magkasama? Ang mga panahon na iyon ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Masaya ako na nakilala at minahal kita sa mga panahong iyon. Oo sa maikling panahon tuluyan ng nahulog ang loob ko sa iyo at hindi ko hahayaan na hanggang doon lang iyon.

Hindi ko matanggap na binasura mo ang pag-ibig ko. Napakagaga ko. Tuwang tuwa pa ako noon  ng bigyan mo ko ng TShirt na kaparehas ng iyo. Kahit mukhang pang tiangge ang couple shirt na iyon na mukhang inutos mo pa sa katulong mo na bilhin.

Tandang tanda ko pa na mahiliig ka sa mais. Kaya ako ginagawa ko ang lahat kahit na ang corny corny na.

Kailan mo ba mapapansin lahat ng ibinuhos kong pagpupunyagi, mahalin mo lang ako? Iniibig kitang tunay. Walang halong biro ito.

Nagmamahal,

Ako sa isang lalaking may asawa na.

PS: O eto na talaga. Pakidala na lang ako sa mental. Ikaw na din ang magbayad ng mga gastusin. Kabayaran mo na iyan sa pananakit at pagpapaibig sa akin. Hahaha! 

Liham Para sa Aking IniibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon