Chapter 3

173 7 0
                                    

"Tao po, Amber" sigaw ng kapitbahay na si Aling Pasing sa labas ng bahay nila

"Bakit po aling Pasing" sagot pabalik ni Amber habang binubuksan ang pintuan nila

"Eto oh, may sulat ka" mahinahong sabi ni Aling Pasing

"Sulat?" pagtatakang tanong ni Amber dahil sino naman kaya ang magpapadala ng sulat sa kanya

"Saan daw po galing" ani ni Amber

"Hindi ko din alam eh, basta sa iyo daw ibigay, siya sige alis na ako ha" mabilis na salita ni Aling Pasing

"Salamat ho" pahabol ni Amber habang naglalakad na palayo si Aling Pasing at agad naman niyang binuksan ang sulat at nakalagay dito na
"Hi Amber, kamusta ka na? Okay lang ba ang kalagayan mo diyan? Pasensya ka na sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa'yo noon, alam mo bang hindi ko talaga nais gawin yon ngunit dahil sa sobrang galit sayo ng ama mo nung pinanganak ka na hindi dapat bulag si Cassy kung siya ang unang nailabas nung pinapanganak ko palang kayo at hindi kami gagastos ng malaki para lamang ipaayos ang mga mata niya. Pero wag ka mag alala maayos na siya ngayon, nakakakita na, at yung tatay mo ayun namatay siya sa isang aksidente matapos ka naming ipamigay. Gusto kitang hanapin nuon pero hindi ko talaga alam kung paano kaya sana mapatawad mo ako kasi ngayon natagpuan na kita kung saan ka nakatira, at hindi naman sa nagmamayabang ako pero sa palagay ko ay hindi ka maalwan diyan, sa Quezon kami nakatira ngunit hindi ko pa kailangan sabihin kung anong exact address namin dahil hindi pa ito ang tamang panahon... Sana naiintindihan mo ako, I love You Amber...

                             -Gigi Salveda"

Hindi naman napigilan ni Amber ang emosyon kaya't nagpa agos agos ang luha nito at hindi niya din alam na nasa likof niya pala si Monny

"Aruuy naman Sis, yun naman pala eh" malungkot na sabi ni Monny at sabay yumakap naman sa kanya si Amber

"Monny *sobs* bakit ganon *sobs* anlaki ng *sobs* pagka *sobs* ka *sobs* mali ko *sobs*"
Maiyak iyak na tugon ni Amber

"Wala kang pagkakamali Amber, yang tatay mo ang may mali dahil wala kang kasalanan na ikaw ang unang lumabas sa sinapupunan ng ina mo, bakit? Hindi naman natin makokontrol kung sinong unang lalabas diba, bakit hindi natin hanapin" mahabang paliwanag ni Monny na siyang ikinasigla ni Amber para maghanap

"Monny" sabay punas ng luha
"Mag impake ka na" utos niya kay Monny

"Amber? Bakit? Alam mo namang wala na akong ibang pupuntahan, wag mo naman akong palayasin" pagmamakaawa ni Monny

"Gaga! Maghahanap tayo" mabilis na sabi ni Amber at agad na itong pumasok upang mag ayos

*After 1 hour*

"Saan tayo magsisimula?" Mabilisang tanong ni Monny kay Amber

"Kahit saan basta sa Quezon lang" mabilisang sagot din naman ni Amber at umalis na sila

Tear Drop's OverWhere stories live. Discover now