- Ang huling dahilan -Huwag mo sana mamasamain.
May gusto lang sana akong sabihin.
Sa aki'y huwag magalit.
Nais kong malaman mo na sa iyo ay hindi ako galit.Matatag tayo.
Mahal mo ako.
Masaya tayo.
Pero, ako ngayon ay sumusuko.Wala kang mali na nagawa.
Wala kang dapat ipag-alala.
Ako ang may mali sa ating dalawa.
Totoo pala ang sinasabi nilang, ang pagmamahal ay dumarating at nawawala.Sana sa aking pagsuko, huwag magdamdam.
Pinapalaya kita sa kulungan ng aking pagmamahal.
Alam kong ako ay labis mong inaasam.
Pero, ayaw ko ring ikaw ay masakal.Hindi sa dahil may-iba ako o ikaw.
Hindi rin dahil sa simula pa lang, pagmamahal ko sa'yo ay mababaw.
Sadyang tadhana ay mapaglaro.
Tayo'y pilit niyang pinagtagpo pero ng dahil sa akin tayo'y pilit niyang pinaglalayo.Dahil sa wala na akong nadarama.
Dahil sa hindi na ako masaya.
Dahil sa wala na ang dating kislap sa mata.
Kaya ako ngayo'y sumusuko na, pinapakawalan na kita.By: Bashilona
BINABASA MO ANG
Sulat Kamay
PoetrySalitang isinulat para sa'yo. Mga letrang ikaw ang naging batayan. Makakaya mo kayang tignan ito sa malayo, kung sulat kamay mo mismo ang basehan? Highest Ranking (so far): #803 in poetry [5-27-18]