𝑳𝒊𝒉𝒂𝒎 ⸙ Disyembre 31,1875

255 16 0
                                    

Villa Francia,QuezonPilipinasDecember 31,1875

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Villa Francia,Quezon
Pilipinas
December 31,1875

Ginoong Teo,

Ginoong aking tinatangi, noong unang beses tumibok ang aking puso, saya'y tuwing nababasa ko ang mga liham mo saakin ay hindi ko maitago. Ang aking nararamdaman ay hindi ko maipaliwanag... sadyang halo-halo.

Aaminin ko sayo, ako'y handa na. Bago pa mahuli ang lahat, pag-tingin ko sayo'y aaminin na. Ngunit hanggang roon na lamang ata ang kaya kong gawin, hindi ka na nararapat pa saakin.

Ginoo, pagpasenyahan mo ako at hindi ako nakatugon sa mga sulat na ipinapadala mo. Ako'y may aaminin sayo Ginoong Teo... Ako ay nakatakda nang ikasal sa ginoong pinili nang aking ama. Nalaman nila na ako at ikaw ay may pagsinta. Pinigilan nila ako sa pag papadala ng liham sayo, pasensya na ginoo ngunit hanggang dito nalamang siguro tayo. Hindi tayo puwede, kahit pa tayo ay lubos na nagmamahalan. Mali ang oras na ating nasumpungan. Gustuhin ko mang ikaw ay samahan, hindi sumasang ayon ang kapalaran. Pasensya na Ginoo. Ngunit hanggang dito na lamang, paalam.

Lubos na Nagpapasalamat,
Maraiah

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon