You are on page 1of 2

PARA KAY B

Ang akdang ito na isinulat ni Ricky Lee ay di maikakalilang obra


maestra. Mula pa lamang sa pamagat nito at tag-line na O kung paano
dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin ay mapapaisip ka na kung
ano ba ng kwento sa loob nito. Maging ang pabalat sa likod na
nagsasabing Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang
ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota ay waring naghihikayat
ng husto sa mambabasa para basahin ang nilalaman nito.
Mula pa lamang sa pamagat ay malalaman na ang nobelang ito ay
umiikot sa tema ng pag-ibig. Ibat ibang kwento ng pag-ibig na umiikot sa
mga pangunahing tauhan na sina Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie ay
mahusay na naikwento ni Lee. Ang kwento ni Irene
nakalimutang

pag-ibig,

ang

kwento

ni

Sandra

at

tungkol sa
ang

maling

pagmamahalan, Si Erica na kailangang matutunan ang umibig, si Ester sa


isang lihim na pagtitinginan at ang kwento ni Bessie sa malupit at
mapaglarong pagmamahal. Kabilang din sa nagbigay kulay sa bawat
istorya ay ang ibat ibang tauhan lalo na ang kay Lucas na unti-unting
makikila at aangat habang papatapos na ang akda. Masasabi kong bukod
sa

mga

pangunahing

tauhan,

ang

kwento

ni

Lucas

ang

may

pinakamalaking ambag sa pagkakabuo ng nobela.


Napakapayak at deretso ng pagkakalahad ng istorya. Ang teknik na
ginamit ni Lee sa pagsusulat ay makabago, good bye norm at hindi
naaayon sa tradition ayon kay Jose Lacaba. At katulad kay Bb. Joyce
Bernal, Nakalimutan kong isang nobela ang aking binabasa. Sa pagpili
ng mga salita, kasama na ang salitang balbal o kalye, ay madaling
maintidihan ang nobela at hindi mahirap basahin.
Para sa akin, makatotohanan ang bawat tauhan at ang development
ng mga ito habang nagpapatuloy ang istorya. Detalyadong naibabahagi
ang mga magiging papel ng bawat tauhan kung kaya naman hindi
nagiging mahirap buhayin at laruin sa isip ang kanilang mga itsura at
ginagawa. Ibat ibang tauhan man sa bawat kabanata, sa huli ay mahusay

itong napagkabit-kabit. Ang aking pinakanagustuhan sa akdang ito,


pagdating sa mga tauhan ay kung paano ito binigyan ng karakter, nang
pagkatao at maiisip mo na nangyayari nga ito sa totoong buhay. Gayundin
din nang pagbanggit mismo ng kwento ni Lucas na siyang sumusulat sa
bawat istorya. Maging kung paano niya hinarap ang kanyang mga tauhan
at ang kanyang sariling kwentong pag-ibig.
Babalikan ang tema, walang labis at walang kulang na naibigay ni
Lee ang nais niyang iparating. Natalakay niya ang ibat ibang paksa ng
pag-ibig sa bawat kwento na may sapat na detalye na tiyak ay papatok at
mag-iiwan ng marka sa bawat mambabasa. Maliwanag na nabigyan ng
hustisya ang bawat pangyayari. May ilang bahagi lamang na para sa akin
ay napapahaba na ang kwento at maaring di na ibilang sa istorya. May
mga ilang pangyayari ng istorya at masusundan pa rin ng maayos ang
bawat tagpo.
Sa pagpili din ng paksa, maaring sabihin na argumentative ito
sapagkat nakabase ito sa kung ano ang pananaw ng mambasa ayon sa
kanyang pagkatao at karanasan. Kagaya ng katanungan kung may quota
nga ba ang pa

You might also like