You are on page 1of 70

PARA KAY B

Ricky Lee

PAGSUSURI
Nagsuri: Eliza L. Dela Vega
Pagkilala sa May-akda

SI Ricardo A. Lee , kilala bilang Ricky Lee ay isang manunulat, mas higit siyang kilala
bilang isa sa pinakamahusay na scripwriter ng mga pelikula at telebisyon, bagamat kilala rin
naman siya sa kanyang masining na kontribusyon sa larangan ng maiklimg kuwento, nobela,
dula at pamamahayag.
Nakapagsulat na siya ng humigit 150 naisapelikulang iskrip mula pa noong 1973.
Nakapagtamo na siya ng mahigit 50 tropeo mula sa iba't ibang samahang pampelikula.
Marami na siyang pelikula na naipalabas at inilaban sa mga international film
festivals katulad sa Cannes, Toronto at Berlin. Ilan sa mga pelikula niya ay ang
Himala, Moral, Brutal, Relasyon, Karmal, Bulaklak ng Maynila, Jaguar, Salome
at marami pang iba.
Pagkilala sa May-akda

Bilang fiksyunista, mandudula at mamamahayag, si Ricky Lee ay nakapagkamit rin ng


mga pagkilala sa pagsulat ng fiksiyon mula sa Pilipino Free Press, Don Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas. Noong 2000,
hinirang din siya bilang isa sa 100 Artista na pinarangalan ng Cultural Center of the
Philippines ng Centennial Honors for the Arts award
Si Ricky Lee ang unang naglathala ng mga libro ng mga iskrip sa Pilipinas, ang
Brutal/Salome. Naglabas din siya noong 1988 ng isang manwal sa pagsusulat
ng iskrip, ang Trip to Quiapo, na naging isang bestseller at isang rekisitong
teksto sa mga kursong pangkomunikasyon sa bansa.
Pagkilala sa May-akda

Noong Nobyembre 2008, inilabas niya ang kanyang unang nobelang Para Kay B (o kung
paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) na mainit na tinanggap ng mga
mambabasa. Ang kanyang pangalawang nobela, Si Amapola sa 65 na Kabanata, ay
matagumpay ring inilunsad noong Nobyembre 2011.
Mula pa noong 1982, nagbibigay din si Lee ng libreng scriptwriting workshop sa kanyang
tahanan para sa mga nagsisimulang manunulat. Daan-daang scriptwriters na ang dumaan
sa kanyang workshop at lumilikha na ng kanilang marka sa industriya ng telebisyon
at pelikula. Noong 2000, kasama ng kanyang mga workshoppers, itinatag at
pinamunuan ni Lee ang Writers Studio (ngayo'y Philippine Writers Studio
Foundation) bilang daluyan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga manunulat.
URI NG AKDA
Ang akdang sinuri ay isang nobela, ito ay isang kathang
pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghabi-
habi sa isang mahusay na pagbabalangkas ng mga pangyayari.
Isa itong masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayari na
magkakaugnay.
Ang uri ng nobela ay nobelang romanasa. Ang akda ay
naglalarawan ng iba't ibang uri ng pag-ibig. Sa katunayan ay
naglahad ang awtor ng teorya na sa bawat limang taong umiibig
apat sa kanila ay makararanas ng pagkasawi o kabiguan.
PAMAGAT
Para Kay B, yan ang pamagat. Dito pa lamang ay mababatid na
ng mga mababasa na sa akda ay mayroong iaalay o ibibigay o
gagawin ang tauhan para kay/sa B ito ay pinatutunayan ng
pang-ukol na para kay na nasa pamagat. Ang aalamin na lang
ng mga mambabasa ay kung ano ito at sino o ano ba si B.

Sa pamamaraan ng paglalahad ng pamagat ng nobelang ito ay kinikiliti na ang


isipan at imahinasyon ng mga mambabasa, tila ba batobalani na hinihila ka na
buklatin ang bawat pahina nito upang alamin ang hiwagang nakatago
sa likod ng letrang B.
ISTILO NG MAY-AKDA
Si Ricky Lee ay hindi nagpapakahon sa "pormula", ang plot, tauhan, at daloy ng
kanyang akda ay bumabalikwas sa nakagawian na. Kilala siya sa pagiging henyo sa
paggamit ng matalino at tusong paraan ng paghahalo-halo ng eksena, diyalogo, at
simbolo na layuning kilitiin ang utak at emosyon ng mga mambabasa niya. Sa
nobelang Para Kay B ay lutang na lutang ang pamamaraang ito ni Ricky Lee.
Nangibabaw din sa nobelang ito ang isang tatak ni Ricky Lee ang paniniwala
niya na hindi naman makasasama o mababawasan ang kasiningan ng isang akda
kahit na ito ay haluan pa ng isyung pampolitika. Para sa kanya ang lahat ay isang
politcal act. Katulad ng mga istorya ng pag-ibig sa nobelang Para Kay B inilahad dito
kung paanong ang pag-iibigan ay maaaring mahadlangan ng mga social forces
katulad ng gender issues, pang-aapi ng politiko, at pang-aaboso ng militar.
MGA TAUHAN
UNANG KUWENTO Jordan - Biktima ng malupit na pagtrato
Irene Magsipoc- babaeng may ng lipunan. Pinatay ng mga militar ang
photographic memory, malaki ang storage kanyang magulang dahil pinagbintangan
ng utak niya. May malungkot na karanasan silang NPA, nakaligtas siya dahil niyakap
noong kabataan dahil maagang namatay siya ng kanyang ina. Lumaki siyang
ang kanyang ina, at agad nag-asawa ng iba punong-puno ng poot, sa kabila ng
ang kanyang ama. Malupit ang kanyang kanyang pinagdaanan patuloy pa ring
madrasta. Nakaranas siya ng hindi naging malupit ang lipunan sa kanya.
magandang pagtingin mula sa lipunang Lumisan siya sa bayang kanyang
kanyang kinabibilangan dahil sa kakaiba sinilangan at nagdesisyong kalimutan o
niyang kakayahan. May isa lang siyang burahin ang lahat ng alaala niya mula dito.
kinakapitan upang patuloy na lumaban, si
Jordan at ang pangako nito sa kanya.
UNANG KUWENTO IKALAWANG KUWENTO
Siony - Ang madrasta ni Irene. Malupit.
Sandra - Magandang dalaga, maraming
Andy Ignacio - Ang anak ng mayor na
manliligaw, subalit walang magustuhan
nakaaway ni Jordan na naging dahilan ng
sa kanila dahil isa lang ang iniibig niya
paglisan niya ng San Ildefonso.
ang kanyang kapatid na si Lupe. Sa
Mrs. Ignacio - Ang ina ni Andy, asawa ng
kabila ng pag-ibig niya kay Lupe sa huli
mayor ng San Ildefonso, hindi mahal ng
mas pinili niya ang tama at nagdesisyong
asawa, kaya galit sa mundo. Lahat ng galit
itama ang mga pagkakamali niya.
niya ay ibinuhos niya kay Jordan.
Lupe - Ang kapatid ni Sandra, handa
Father Zuniga- Siya ang paring umampon
siyang ipaglaban ang pag-iibigan nila ni
kay Jordan, nagpakita ng pagmamahal at
Sandra, subalit hindi si Sandra, pinalayas
pagmamalasakit sa kanya. Lagi siyang may
siya ng kaniyang ama sa kanilang
pinakikinggang recorder ng boses ng isang
tahanan. Naging miserable ang buhay
babae at may tinatagong kaputol na buhok,
niya, naging wanted ng batas, hanggang
subalit walang nakabatid ng tungkol dito
sa nakulong.
hanggang sa siya ay mamatay.
IKALAWANG KUWENTO IKALAWANG KUWENTO
Ina nina Sandra at Lupe - Isang
mapagmahal na ina at asawa. Hindi man siya Ruben - Siya ang napangasawa ni
sang-ayon sa naging desisyon ng asawa niya Sandra, isang mapagmahal at tapat na
na palayasin si Lupe ay kinailangan niyang umiigig kay Sandra, sa kabila ng
sundin ang desisyon ng kanyang asawa. pagtalikod ni Sandra sa kanya, at
Hindi naman siya tumigil gumawa ng paraan nagkaanak na siya ay buong puso niya
upang mahanap si Lupe, sadya lamang hindi itong tinanggap pati ang anak nito ay
inukol ng pagkakataon, Sa huling hininga inako niyang parang kanya.
niya ang huli niyang habilin kay Sandra ay
ang hanapin si Lupe. Belinda - Ang batang naging bunga ng
Ama nina Lupe at Sandra - Ang nagpalayas pagmamahalan nina Lupe at Sandra.
kay Lupe, hindi naman siguro masasabing Mayroon siyang medical condition.
masama siyang ama, sadya lamang
kinailangan ng pagkakataon na
mapaghiwalay ang magkapatid
IKATLONG KUWENTO IKATLONG KUWENTO
Erica - Siya ay mula sa Maldiaga, isang
Ang Matandang Babae - Siya ay
babaeng hindi marunong magmahal.
nagmula sa isang kuwento sa Maldiaga,
Nabuksan ang kamalayan niya ukol sa pag-
ang tanging tao na nakaranas umibig,
ibig dahil sa isang kuwento ng isang
lagi siyang sumisigaw ng "i love you".
matanda, ito ang nagtulak sa kanya na
umalis sa kanilang lugar upang matutong
Mrs. Baylon - Ang ina ni Jake, isang
umiibig. Hindi naging madali ang proseo
biyuda, patuloy na minamahal ang asawa
bago siya matutunan ang umiibig
kahit patay na ito. Itinuturing niyang
buhay ito at kasama niya. Hanggang sa
Jake - Ang lalaking hindi sumiseryoso sa
ginawa niyang tsaa ang abo ng asawa
mga babae. Pero nagbago siya noong
niya at kanyang ininom. Sa revised
nakilala niya si Erica. Nagmahal kay Erica ng
version ay inihayag na buntis si Mrs.
sobra, nasaktan at nawala sa sarili noong
Baylon.
hindi tanggapin ni Erika ang alok niyang
pagpapakasal.
IKAAPAT NA KUWENTO IKAAPAT NA KUWENTO
Ester - Isang babae na nais lahat ng bagay AJ- Ang baklang anak ni Ester. Alam niya
ay nasa tama lang, simple lamang siya. ang lihim ng kanyang ina at ni Sara. Nais
Mabuting ina sa kanyang mga anak at niyang suportahan ang kanyang ina kaya
mabuting asawa sa kanyang mister. Umibig gumawa siya ng paraan upang muling
si Ester sa katulong nilang si Sara. Pero hindi magkita ang dalawa. Dati siyang pakawala,
niya tanggap na tawagin siyang lesbiyana. kung kani-kanino sumasama subalit ng
Sara - Mula siya sa angkan ng mga katulong, nakatagpo ang kanyang one true love, nag-
katulong siya nina Ester dahil sa ang lola niya stick to one na siya.
Pio- Ang asawa ni Sara, simple lamang ang
ay dating katulong nina Ester. Umibig siya
buhay niya, may mga karamdaman siya.
kay Ester, umalis siya sa poder ni Ester at
Alam niya ang lihim nina Sara at Ester, pero
nagpakasal sa iba upang matakasan at
hindi siya umiimik, tahimik lamang siyang
maiba ang kapalaran niya sa kanyang mga
nakikipagkompentensiya sa pamamagitan
angkan. Subalit hindi naging magaan ang ng pag-aalaga sa kanyang sarili upang
buhay para sa kanya. mabuhay pa siya ng matagal.
IKALIMANG KUWENTO IKALIMANG KUWENTO
Bessie - Siya ang iniibig ni Lucas, maganda,
seksi , frustrated na artista. Isa siyanng
Brigs - Anak ng isang colonel, isa sa
babaeng pakawala, kung kani-kaninong
mga lalaking sinasamahan ni Bessie.
lalaki sumasama, hindi marunong magmahal.
Malaki ang galit sa mundo dahil siya
Subalit may dahilan ang lahat sapagkat
mayroon siyang hindi magandang karanasan ang ginagawang punching bag ng
sa kanyang ama noong bata pa siya. kanyang ama sa tuwing may sabit ang
Lucas - Hindi magandang lalaki, frustrated mga transaksyon nito. Siya ang
writer. Labis na nagmamahal kay Bessie. dahilan kung bakit nawala si Lucas sa
Biktima ng malupit na pagtrato ng mga poder ni Bessie.
kamag-anak kaya napilitang magsarili at
mabuhay mag-isa, hindi naging madali ang
buhay para sa kanya.
IKAANIM NA KUWENTO IKAANIM NA KUWENTO
Manang Belen - Ang kumupkop kay
Lucas, isang manghihilot, nakatira sa may Totoong Bessie
gilid ng riles ng tren.
Hindi Totoong Bessie
Charlie - Siya ang ang nagsilbing mentor
ni Lucas sa pagsusulat. Isang lasenggero
Sandra
at aktibista. Pero kalaunan ay umiwas sa
alak at nagpatuloy sa adbokasiya na
labanan ang katiwalian ng mga politiko.

Colonel Moncayao - Ang ama ni Brigs,


isang tiwali at kriminal. Ang sino mang
lalaban o titiwalag sa kanya ay kanyang
ipapatay.
TAGPUAN
UNANG KUWENTO
NAKARAAN
San Ildefonso
Labing apat na taon na ang nakakaraan

KASALUKUYAN
Ayala Avenue, coffee shop
May nagra-rally
restawran
maliiit na hotel
IKALAWANG KUWENTO
NAKARAAN
Quezon Province
Labinglimang taon ang nakalipas
Pasay
Motel Room No. 23

KASALUKUYAN
Travelers' Inn
IKATLONG KUWENTO
Maldiaga - isang lugar kung saan hindi umiiral ang pag-ibig
subalit masaya at kontento ang mga tao.

Totoong Mundo
Malapit sa dagat
Bumabagyo

Maynila
Maraming tao
IKAAPAT NA KUWENTO
San Mateo
Tahanan nina Ester
Tailor Shop
Mercedez
Tahanan nina Sara
Larawan ng kahirapan, malapit sa dagat.
IKALIMANG KUWENTO

Pad ni Bessie - makalat, magulo


Tabing dagat- tahimik at may kapayapaan
IKAANIM NA KUWENTO
Tahanan ni Manang Belen sa tabi ng riles.

Kalye malapit sa pad ni Bessie.

Basketball court, may campaign rally si Brigs

Travelers' Inn
BUOD
Unang Kuwento
Si Irene at Jordan ay magkababata mula sa San Ildefonso. Pareho sila ng
pinagdaraan magkaiba lamang ng sitwasyon. Si Irene galit sa lugar nila at sa mga tao
dito dahil sa hindi mabuting pagtanggagp sa kaniya sa kadahilang mayroon siyang
ibang kakayahan, photographic memory at ang pagmamalupit sa kanya ng kanyang
madrasta. Si Jordan na biktima ng hindi magandang pagtingin ng lipunan at maling
panghuhusga kaya naulila sa mga magulang. Sa edad na labing-isa alam na ni Irene na
You can also add other
mahal niya si Jordan, si Jordan may ay ganun din, dahil sa mga kabutihang ipinakita ni
related visuals to capture
Irene sa kanya. the attention of your
May isang pangyayari na nagtulak upang lisanin ni Jordan ang San Ildefonso, bago
audience.
umalis si Jordan ay di sinasadyang nagkita sila sa may ilalim ng tulay kung saan may
nagra-rally sa itaas. Habang papalapit si Irene kay Jordan ay may pumatak na isang
cheap watch mula sa itaas. Pinulot ito ni Jordan at saka ibinigay kay Irene at
nagpasalamat sa kanya si Jordan dahil sa mga kabutihan nito sa kanya at sabay sabing
Unang Kuwento
paglaki mo pakakasalan kita. Biglang tumigil ang lahat para kay Irene. Subalit wala
siyang kaalam-alam na iyon na pala ang huli nilang pagkikita. Matagal na panahon
siyang naghintay kay Jordan sa San Ildefonso. Pero walang Jordan na nagbalik.
Pagkatapos ng highschool ay agad siyang nagtungo ng Maynila, pagkakataon upang
makalayas sa kanilang lugar. Nakatapos siya at nakapagtrabaho. Marami siyang
nakilalang lalaki, kung sino-sino ang naging boyfriend niya, kahit sino pwede, basta
You can also add other
wag lang lalaking may pangalan na nagsisimula sa J.
related visuals to capture
Isang araw, pagkalipas ng labing-apat na taon dumating ang pinakahihintay
the attention of your
ni
Irene, muli silang nagkita ni Jordan, subalit mukhang nakalimutan
audience. na siya ni Jordan,
hindi siya nito nakilala. Dahil sa frustration niya at kanaisan na maalala siya ni Jordan,
dinala niya ito sa Travelers' Inn, may nangyari sa kanila. Subalit pagkatapos, patakas
niyang iniwan si Jordan. Umalis siyang umiiyak.
Ikalawang Kuwento
Si Sandra at Lupe ay magkapatid, labing pitong taon pa lamang noon si Sandra,
maraming nanliligaw sa kanya subalit wala siyang matipuhan dahil isa lamang ang nais
niya, ang kanyang kuya Lupe, at ganun din si Lupe. Ang bodega ang naging saksi sa
kanilang pag-iibigan. Kaya lamang hindi nagtagal ay nabisto sila ng kanilang mga
magulang. Pinalayas si Lupe sa kanilang tahanan, naiwan si Sarah. Itinanggi niya na
nagmamahalan silang dalawa sa harapan ng kanilang mga magulang. Nagpatuloy ang
You can also add other
buhay ni Sarah at ng kaniyang mga magulang bagamat ang kanilang ina ay patuloy na
related visuals to capture
gumagawa ng paraan upang magkaroon ng balita tungkol kay Lupe. Naaksidente
the attention of your
ang
mga magulang ni Sarah agad na namatay ang mga ito. Napilitang
audience. iwan ni Sarah ang
tahanan nila at nakitira sa kaniyang tiyahin sa Maynila. Nagkaroon ng kasintahan si
Sarah, si Ruben. Isang araw na namasyal sila at napadaan sa isang madilim na lugar
may isang lalaki na lumapit sa kanila upang agawin ang selpon nila, pagkarinig ni Sarah
ng bosen ng lalaki ay hindi siya maaring magkamali, ang kuya Lupe niya ang lalaking
Ikalawang Kuwento
ang lalaking ito. Nakilala siya ni Lupe, pareho silang hindi nagpahalata. Selpon lamang
ni Ruben ang kinuha ni Lupe. Mula ng araw na yon ay umasa na si Sarah na tatawagan
siya ni Lupe, at isang araw ay nangyari nga ang inaasahan niya, tumawag si Lupe. Yon
ang naging simula ng kanilang muling pagkikita, palihim silang umuupa ng isang malit
na kuwarto sa Pasay Room 23. Doon muli silang nangarap na dalawa na ipagpatuloy
ang naudlot nilang pag-iibigan. Lingid sa kaalaman ni Sarah ay iniisip ni Lupe ang
You can also add other
kaligtasan ni Sarah. Alam ni Lupe ang panganib na maaari niyang maidulot kay Sarah.
related visuals to capture
Hanggang isang araw hindi na lamang nagpakita si Lupethe kay Sarah. Nagdalangtao
attention of your
si
Sarah. Natatakot man siya sa maaaring kalabasan ng audience. kanilang magiging anak ay
ipinagpatuloy niya ito. BInalikan siya ni Ruben, tinanggap ni Ruben ang anak ni Sarah
na parang kanya, Mayroong medical condition si Belnda, ang anak ni Sarah.
Nagpakasal sina Sarah at Ruben at biniyayaan ng mga anak. Wala ng balita si Sarah
kay Lupe.
Ikatlong Kuwento
Si Erica ay mula sa Maldiaga, isang lugar kung saan walang pag-ibig. Ayos naman
ang pamumuhay ni Erica sa kanialng lugar, nabulabog lamang ito noong malaman
niya ang istorya ng isang matandang nakaraanas ng pag-ibig. Nagising ang kuryusidad
niya ukol dito. Gumawa siya ng paraan upang malaman ang tunay na kuwento ng
matanda, sa kanyang pagahahanap ay nakakita siya ng isang dvd na nagsasaad ng
maaaring mangyari sa kanya kung sakaling maranasan niya ang umibig, mula noon ay
You can also add other
ninais na rin niya na maramdaman ang naramdaman ng matanda, kaya lamang hindi
related visuals to capture
niya alam kung paano. Dahil sa paghahanap niya ng paraan kung paano
the attention of your
makararating
sa kablang daigdig kung saan may pag-ibig ay napadpad siya sa isang sapa, at walang
audience.
ano-ano ay hinigop siya nito at dinala siya sa kabilang daigdig kung saan may pag-ibig.
Nakilala niya si Mrs. Baylon, isang biyuda at may anak, si Jake. Nang makita ni erica
si Jake ay agad niyang naiisip na ito ang kanyang iibigin. Kaya lamang hindi niya alam
kung paano. Si Jake ay isang lalaking hindi marunong magmahal, ang tingin niya sa
Ikatlong Kuwento
mga babae ay bagay lamang.
Pansin ni Mrs. Baylon ang intesyon ni Erica na paibigin si Jake, kaya tinulungan niya
ito ng mga bagay na dapat niyang gawin. Dahil gusto rin naman ni Mrs. Baylon si
Erica.
Nagtagumpay silang dalawa sa nais nila, napaibig ni Erica si Jake, ngunit ang naging
problema ay hindi pa rin alam ni Erica kung paano ang umibig. Gumawa sila ng iba;t
You can also add other
ibang paraan para matutunan ito ni Erica subalit hindi rin sila nagtagumpay. Kaya
related visuals to capture
naisip ni Erica na magtapat kay Jake. Subalit nakiusap the si attention
Mrs. Baylon
of your
sa kanya na
subukan muli. audience.
Nagplano sina Mrs. Baylon at Jake ng isang wedding proposal para kay Erica,
inarkila niya ang isang concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum para sa proposal
para maging romantic. Noong lumuhod si Jake at tinanong siya ng "will you marry me"
Ikatlong Kuwento
ay hindi siya agad nakasagot. Gustuhin man niyang mag "yes" ay wala naman talaga
siyang nararamdaman, at ayaw niyang lukuhin si Jake, kaya "I'm sorry, Jake" ang
kanyang naging tugon. Sabay alis sa venue. Napadpad siya sa isang beach na malapit
sa isang building, doon nakita niya si Maria (yong bakla sa taping na ginulo nila ni Jake).
Si Maria ang naging daan upang mapasok ni Erica ang telebisyon, nagkaroon siya
ng palabas sa TV, naging sikat ang programa niya kung saan ay nagbibigay siya ng
You can also add other
payo ukol sa pag-ibig. Naging sikat din siyang endoreser. Subalit sa likod ng kasikatan
related visuals to capture
niya ay nagtatago pa rin ang lungkot at pagnanais na nasa ay matutunan
the attention of your
na niyang
umibig. audience.
Isang araw ay dinalaw ni Mrs. Baylon si Erica sa tv station, ipinaalam niya ang
kalagayan ni Jake. Mula nang iwan niya si Jake ay halos nawala na ito sa sarili,
hinahanap siya at pilit inaalam kung nasaan ba ang Maldiaga. Hanggang sa isang araw
na nakita na lamang si Jake na lumulutang sa dagat, pinaniniwalaang naaksidente ito.
Ikatlong Kuwento

agad namang sumama si Erica kay Mrs. Baylon. Parang wala sa sarili si Jake, hindi
gumagalaw, hindi nagsasalita at parang walang pakiramdam. Nhabag si Erica kay Jake,
mula noon tinalikuran niya ang telebisyon, inalagaan niya si Jake. Araw-araw niya itong
pinaliliguan sa dagat, pinakakain at binibihisan. Hindi niya alintana ang mga tismis
tungkol sa kanya, ang mahalaga ay maalagaan niya si Jake, ngayon pang alam niya sa
You can also add other
sarili niya na marunong na siyang umibig. Sa mga araw na nagdaan na inaalagaan niya
related visuals to capture
si Jake, naunawaan na niya kung paano mabuhay parathesaattention
isang oftaoyourlamang, kaya
lamang ay mayroon siyang napagtanto, masakit pala ang umibig.
audience.
Ikaapat na Kuwento
Sa edad na 20 ay nagpakasal si Ester kay Lucio, si Sara naman ay kanilang katulong.
Mula si Sara sa angkan ng mga katulong dahil ang lola ni Sara ang katulong ng pamilya
nina Ester noong bata pa siya. Noong mamatay ang nanay ni Ester kabilin-bilinan sa
kanya ng kanyang ina na huwag na huwag niyang paalisin si Sara. Sa isip isip niya
paano niya paalisin si Sara, si Sara ang great love niya. Dalampu't pitong taon siya
noon, lima na ang anak niya noong mapagtanto niya na si Sara ang great love niya.
Matagal niya yong itinago sa kanyang puso. Mula noon ay hindi na niya kinayang
makipagsiping pa sa kanyang mister sa tuwing uuwi ito mula sa ibang bansa.
Isang OFW si Lucio, kaya si Sara ang naging katuwang niya sa pagpapalaki ng
kanilang mga anak at sa pagpapatakbo ng kanilang tailoring business.
Namatay ang asawa ni Ester sa aksidente sa ibang bansa. Tinawagan siya ng agency
nito upang ipabatid ang balita. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak, nasa ganun
Ikaapat na Kuwento
siyang sitwasyon nang duamting si Sara para i-comfort siya. Sa simula
nagkuwentuhan sila tungkol sa kasal nila ni Lucio, ilang sandali pa ay may nangyari na
sa kanila. Iyon ang huling pagkakataon na nakita si Sara sa tahanan nina Ester.
Nagpatuloy ang buhay ni Ester kasama si Aj, isang bading, subalit tanggap ito ni
Ester. Lingid sa kaalaman ni Esther ay batid pala ni AJ ang lihim niya tungkol kay Sara.
Sa simula ay nagalit siya, ilang araw niyang hindi kinausap at hinarap si AJ, pero mapilit
si AJ dahil gusto niyang matulungan ang kanyang ina. Dahil ramdam ni AJ ang
kalungkutang nararamdaman ni Esther.
Hinanap ni AJ si Sara, nagtagumpay naman siya. Nalaman niya na nag-asawa na ito
at may mga anak na. Pinilit daw ng magulang na mapakasal para maiba naman ang
kapalaran ni Sara. Napangasawa ni Sara si Pio, mangingisda, at may sakit.
Nahikayat ni AJ na makipagkita si Esther kay Sara, binilhan nila ng regalo ang mga
anak ni Sara, nagdala sila ng pagkain. Halos hindi nakapag-usap sina Sara at Esther
Ikaapat na Kuwento
dahil si Pio ang bumabangka sa usapan. Hanggang nagpaalam na ang mag-ina.
Pagkarating sa bahay ay agad na nagluto si Esther at nagplanong magpalit ng kubre
kama, hanggang sa may narinig siyang katok, si Sara. Dumiretso sila sa kama, sa
simula ay nagtitigan lamang sila hanggang sa may nangyari sa kanila.
Sinabi ni Sara na mahal niya din si Esther, pero huling beses na nilang gagawin
yon, dahil may asawa at mga anak na siya. Napagkasunduan nila na magkikita sila
tuwing Biyernes ng hapon upang makapag-usap. At nangyari ngayon, tuwing Biyernes
ng hapon ay nagkikita sila sa labas, minsan hindi sila nag-uusap basta magkatabi lang
silang nakaupo. Masaya sila sa ganun at kontento sila.
Lingid sa kaalaman nila ay batid pala ni Pio ang lahat. Kaya't pinag-ingatan niya
ang kanyang sarili, umiwas na siya sa bisyo. Kumain ng masustansiya at iningatan ang
sarili upang hindi siya maagang mamatay.
Ikalimang Kuwento
Si Bessie isang frustrated artista nakilala si Lucas na isang frustrated writer. Nagkita
sila sa isang kalye kung saan kasali si Bessie sa isang event, rumarampa siya na
nakasuot lamang ng litsugas. Si Lucas naman ay kasalukuyang nagtatrabaho dahil isa
siyang messenger, habang hawak-hawak niya ang mga envelope na kanyang idedeliver
ay nakanganga naman siyang nakatingin kay Bessie. Agad siyang napansin ni Bessie,
na-challenge siya, naisip niya ano kaya ang pakiramdam ng makipag-sex sa isang
pangit.
Inabutan ni Bessie ng flyer si Lucas na nakanganga pa rin. Inaya niya ito sa pad
niya, ayaw man ni Lucas dahil may trabaho siya hindi na siya nakatanggi.
Sa pad ni Bessie, agad pinainom ni Bessie ng beer si Lucas, at nagsimula siyang
magkuwento na gusto niyang mag-artista. Nagpakitang gilas si Bessie kay Lucas,
pinakitaan niya ito ng iba ibang karakter at muli nakanganga na naman ito na
Ikalimang Kuwento
na nakatingin kay Bessie. Hangang-hanga siya kay Bessie. Noong matapos si Bessie
na magpakitang gilas at handa ng simulan ang sadyang balak kung bakit dinala niya si
Lucas sa pad ay umatras si Lucas at nagsabi na umarte na lang ulit si Bessie. Sa una
nagulat si Bessie dahil first time na may tumanggi sa kanya at pangit pa. Pero natuwa
rin naman siya dahil humahanga si Lucas sa talent niya.
Nagkuwento rin si Lucas ng pangarap niya kay Bessie, sinabi nito na pangarap
niyang maging writer, 3rd year journalism lamang ang natapos niya. Maaga siyang
sinubok ng buhay, maaagang naulila at minaltrato ng mga kamag-anak kaya napilitinag
mamuhay ng mag-isa at makipagsapalaran sa buhay.
Natuwa si Bessie noong malaman niya na gusto ni Lucas na maging writer, sabi ni
Bessie sa kanya gusto niya love stories ang isusulat ni Lucas.
Ikalimang Kuwento
Nagbitiw sa trabaho niya si Lucas, naging handyman siya ni Bessie, sa isang maliit
na kuwarto sa pad ni Bessie siya natutulog, hindi siya tumatanggap ng bayad mula kay
Bessie, pero binibigyan pa rin siya ni Bessie ng pera.
Sa tuwing may pagkakataon ay umaarte si Bessie sa harap ni Lucas, iba't ibang
karakter at si Lucas naman ay naroon lamang upang patuloy na humanga kay Bessie.
Pero madalas ay kasama siya ni Bessie sa mga raket nito at kapag minalas na may
matipuhan itong samahan na lalaki ay wala siyang magawa kundi hintayin na lamang
ito.
Minsan tinanong ni Lucas si Bessie kung bakit walang litrato ng pamilya niya sa
bahay niya, hindi siya sinagot ni Bessie at halatang ayaw pag-usapan. Minsan narinig
niya na kausap ni Bessie ang kanyang ina sa telepono, noong sinabi ng ina niya na
kakausapin siya ng kanyang ama ay tinapos na niya ang tawag.
Ikalimang Kuwento
Nag-aya si Bessie sa isang liblib na resort sa Batangas, sila lang dalawa ang tao sa
resort, agad silang lumubog sa dagat, nagkontest sila, patagalan sa ilalim ng tubig. may
parang kung anong tinatakasan si Bessie noong mga oras na yon.
Sa pag-ahon nila sa dagat, may nangyari sa kanilang dalawa, hindi maunawaan ni
Lucas ang kanyang nararamdaman ngunit alam niya na habang buhay niyang lalasapin
ang pakiramdam na yon. Pagkahupa ng lahat, sinabi ni Bessie sa kanya na naniniwala
siya na magiging writer si Lucas, sabi niya kay LUcas "magsulat ka". At noong gabing
yon ipinangako ni Lucas na magsusulat siya para kay Bessie.
Si Brigs ang isa sa constant na bisita ni Bessie sa pad. Maimpluwensiya dahil anak
ng colonel, guwapo kaya lang may topak. Bisita ni Bessie si Brigs, habang si Lucas ay
abala sa paglilinis ng kusina, dahan-dahan lamang ang kilos niya upang hindi siya
mapansin ng mga ito. Pero tinawag siya ni Bessie at pinaupo sa gitna nila, Pinainom ng
beer, noong una ayaw niya pero pumayag na rin. Hindi niya alam mayroon pala silang
Ikalimang Kuwento
binabalak. Pinrank nila si Lucas. Kunyari ay namatay si Brigs dahil sa overdose of
ecstacy, Sobrang takot ni Lucas, lalo siyang natakot noong biglang nagmulat si Brigs,
dun niya nalaman na prank lang ang lahat. Nagtatawanan silang lahat subalit galit na
galit si Lucas. Napansin ni Brigs ang suot na damit ni Lucas ay kanya, ipinaliwanag ni
Bessie na ibinigay niya yon kay Lucas dahil iniwan na niya sa pad niya. Nagalit si Brigs,
hinubad ni Lucas ang damit at ibinato kay Brigs bunga ng galit na nararamdaman niya,
doon nagsimulang lumabas ang topak ni Brigs, binugbog niya si Lucas, katulong ang
dalawa niyang kaibigan, pinaglaruan nila, hindi nila tinigilan, nang halos wala ng buhay
si Lucas ay inihian nilang tatlo si Lucas. Habang nangyayari ang lahat, nakatingin
lamang si Bessie, wala siyang ginawa. Iniisip niya bakit nga ba wala siyang ginawa.
Naalala niya ang kanyang ama noong 9 na anyos lamang siya. Sa tuwing gusto niyang
walang makita at walang maramdaman tinatakpan niya ng ulap ang mga mata niya at
Ikalimang Kuwento
nirereplay sa isip niya ang sinasabi ng kanyang ama, "ipagpoproduce kita ng pelikula
ikaw ang bida".
Nang matapos sina Brigs kay Lucas ay hinila nila si Bessie at sila ay nag-joyride,
kung saan sila nakarating ay hindi na alam ni Bessie. Kinaumagahan nagising na
lamang siya na nasa bangketa na siya. Hulas na sa tama ng droga.
Umuwi si Bessie sa pad niya, dun nadatnan niya si Lucas sa katulad na posisyon
kung paano nila iniwan kagabi. Gising, pero hindi makagalaw, mabaho. Nililinisan siya
ni Bessie, sa simula ay tinatabig niya ito, pero dahil wala pa siyang lakas at sa pamimilit
ni Bessie ay hinayaan na niya ito. Hanggang nakatulog siya at si Bessie ay nahiga sa
paanan niya.
Paggising ni Bessie wala na si Lucas. Sinubukan ni Bessie na hanapin si Lucas, sa
mga lugar kung saan maaaring puamsok ng trabaho si Lucas, sa lugar kung saan sila
unang nagkita, pero wala si Lucas.
Ikalimang Kuwento
sa paghahanap niya kay Lucas ay iba ang natagpuan niya, namulat siya sa totoong
kalagayan ng mga katulad ni Lucas, mga indibidwal na nagsisikap upang mabuhay,
nakikipagsapalaran at nakikipaglaban sa buhay.
Isang araw nagulat na lamang siya na kasama siya sa isang volunteer group na
naghahatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Elsa sa San Ildefonso.
Matapos ang mahabang oras ng volunteer work ay nakaramdam ng pagod si
Bessie, lumabas siya ng tent at napadpad siya sa ibabaw ng tulay, iniisip niya kung
saan kaya doon nakatira si Lucas dati.
Sa kabilang dulo ng tulay ay may nakitang lalaki si Bessie, si Jordan.
Hindi totoong nakalimutan niya si Irene. Umalis siya ng San Ildefonso na may
pangakong lilimutin na niya ang lahat ng kung anuman ang mayroon sa San Ildefonso
Ikalimang Kuwento
kasama dun ang lahat ng sakit at hinanakit. Subalit noong nagkita sila ni Irene, at may
nangyari sa kanila, unti-unting bumalik ang lahat ng alaala, subalit nakapagtataka man
nakaramdam siya ng relief, kung bakit at kung saan yon nanggaling, yon ang hindi niya
alam. Mula noon ay hindi na siya natahimik. Kaya ngayon, nagbalik siya sa San
Ildefonso para hanapin si Irene.
Pagdating niya sa San Ildefonso agad niyang dinalaw ang puntod ng mga magulang,
sunod sana niyang dadalawin ay si Father Zuniga, kaya lamang may nakapagsabi na
namatay ito at ngayong araw na ang libing, nagmamadali siyang umakyat ng tulay at
natanaw nga niya mula doon ang libing ni Father Zuniga, kakaunti ang nakipaglibaning,
nakaramdam siya ng awa para dito.
Bababa na sana si Jordan ng tulay nang mapansin niya ng may isang babae na
nakatayo sa kabilang dulo ng tulay , si Bessie.
Ikaanim na Kuwento
Sa pag-alis ni Lucas sa pad ni Bessie, na nanghihina, natagpuan siya ni Manang
Helen. Iniuwi siya nito sa kanilang tahanan at kinupkop. Mag-isa na lamang si Manang
Helen sa kanyang tahanan dahil ang anak niya ay nasa Australia na. Sa simula ay
naging katuwang si Lucas ni Manang Helen sa panghihilot. Si Lucas din ang naglilinis
ng kanilang bahay. Mabait at mabuti si Mang Helen sa kanya.
Nakiilala rin ni Lucas si Charlie, ang naging mentor niya sa pagsulat. Marami siyang
natutunan kay Charlie. Nagpatuloy si Lucas sa pagsusulat niya, tulad ng pangako niya
kay Bessie, magsusulat siya para kay Bessie.
Sa katotohanan, ang limang na unang mga kuwento ay mga kuwentong nilikha ni
Lucas mula sa mga karakter na madalas ini-aakto ni Bessie sa kanya. Ito ang mga
kuwentong pag-ibig na iniaalay niya para kay B
Ikaanim na Kuwento
Makalipas ang limang taon mula noong umalis si Lucas sa pad ni Bessie,
hanggang ngayon hindi pa rin niya natatapos ang limang kuwento ng pag-ibig. Minsan
sinubukan niyang irebisa ang kanyang mga kuwento, habang matagal na nakabukas
ang laptop niya naglabasan ang mga pangunaging tauhan ng kanyang mga kuwento.
Sinisisi nila si Lucas, bakit daw lahat sila sawi, bakit daw lahat sila ay malungkot? Bakit
hindi tapos? Sinisisi nila si Lucas, dahil sawi si Lucas sa pag-ibig kaya silang mga
karakter niya ay idinadamay niya, napaka-unfair naman daw ni Lucas. Hiniling ng
bawat karakter na baguhin ang ending ng mga kuwento nila. Maliban kina Sandra at
Esther.
Pinili ni Sandra na manatili ang ending ng istorya niya, dahil kung babaguhin ang
kuwento niya, mawawala si Belinda.
Si Esther, ayos na sa kanya ang istorya nila ni Sara, basta alam nila na mahal nila
ang isa't isa.
Ikaanim na Kuwento
SI Irene ayaw niya ng malungkot kaya pinabago niya ang ending nila ni Jordan,
nagkakilala sina Bessie at Jordan bago pa man sila makarating ng San Ildefonso dahail
halos lagi silang sabay na nagkikita sa mga presinto, hospital dahil sa paghahanap nila
kay Lucas at Irene. Noong nagkita sila sa tulay ay nagkamustahan lang sila at bumaba
na si Jordan para sumunod sa libing ni Father Zuniga, at dun nagkita sila ni Irene. Sa
simula pinahirapan ni Irene si Jordan, para makaganti sa sakit na ibinigay nito sa
kanya, pero sa huli ay hindi rin naman niya natiis at nagkasundo sila.
Si Erica, nawala si Jake, natagpuan na niya ang matagal na niyang hinahanap ang
Maldiaga, dun ay nakatagpo siya ng kapayapaan, Si Mrs. Baylon ay naglihi at
nagbuntis, inisip ng mga kumare niyang mga balo din na baka responsable dun ang
mga asawa nila, dahil naghalo-halo ang abo ng mga asawa nila noong nabsag ang urn
at sumaboy ang mga abo ng mga asawa nila, na siyang ginawang tsaa at ininom ni
Mrs. Baylon.
Ikaanim na Kuwento
Nagpakasal si Erica sa isang may-ari ng tv network, ang kasal nila ay naging isang
parang palabas sa telebisyon. Dahil sa kanilang kasal ay maraming na-inspired na
magpakasal din. Nag-sponsor ang tv station nila ng libreng kasal.
Bessie, isang araw nagso-sort si Bessie ng mga sulat at packages niya ng may
makita siyang isang manuscript , nagtaka siya kung sino ang magpapadala sa kanya
ng ganun, ibaba na sana niya ito, pero napansin niya ang nakasulat sa iba na
nakasulat kamay na PARA KAY B. Bigla siyang may naalala.
Sinimulan niyang buklatin ang mga pahina, nakita niya ang mga pamilyar na
karakter at mga salita. Hindi mapakali si Bessie, pinipigilan niyang mapauha pero
parang may sariling buhay ang mga luha niya na kusang dukadaloy sa kanyang mga
mata.
Ikaanim na Kuwento
Ang Totoong Nangyari
Noong araw na matapos na ni Lucas ang mga kuwento, naghanda na siya at
nagbaon ng lakas ng loob. Bago siya tuluyang pumunta kay Bessie ay dinaanan
muna niya si Lupe sa kulungan. Lingid sa kaalaman ni Sandra ay ipinahanap niya si
Lupe, at dito nga niya ito natagpuan sa kulungan. May isang taon pa siya sa loob.
Bago siya umalis ay ibinigay ni Lucas ang larawan ni Belinda kay Lupe. Masaya
silang naghiwalay.
Nagpatuloy sila sa biyahe patungo sa pad ni Bessie, pagdating doon ay unti-
unting naramdam ng panghihina, pero nilakasan niya ang loob niya na magtanong
sa receptionist at dun niya nalaman na hindi na doon nakatira si Bessie.
Ikaanim na Kuwento
Ang Totoong Nangyari
Itinuro siya ng receptionist sa isang basketball court kung saan kasalukuyang
may campaign rally sila Brigs at ayon sa receptionist andun si Bessie. Una niyang
nakita si Bessie, nasa isang sulok habang humihithit ng sigarilyo, nang makita siya
ay nilapitan siya. Casual na binati siya, inabot ni Lucas ang manuscript na dala niya,
hindi mabasa ni Lucas ang reaksyon ni Bessie. Sinabi ni Bessie na nagbago na raw
siya, nagli-live-in na sila ni Brigs. "one woman man" na lang daw siya. Pero
binulungan siya nito na puwede niyang puntahan si Bessie kahit anong oras.
Umakyat na si Bessie sa entablado, sumayaw, tipid naman ang kilos niya pero may
laswa. Habang sumasayaw ay tumitingin ng malagkit kay colonel. Hindi niya
nagustuhan ang na-imagine niya habang pinapanood si Bessie. Noon niya nakita
ang nabubulok na puso ni Bessie.
Ikaanim na Kuwento
Ang Totoong Nangyari
Nang gabing ito nasabi ni Lucas na tapos na siya kay Bessie. Tapos narin siya sa
kanyang mga kuwento. Napagtanto niya na hindi mo puwedeng mahalin ang
isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, timog, silangan, at kanluran ng
kanyang mga paniniwala.
Lumalakad siyang pauwi nang walang lakas ng mga oras na yon. Isang salita ang
namutawi sa kanya, closure.
Dinelete ni Lucas ang lahat ng files niya tungkol sa limang kuwentong ginawa
niya. Iniwan niya ang bahay ni Manang Belen, nagpatuloy siya sa buhay.
Minsan may isnag estudyante na nagtanong sa kanya kung sino si B? Nagulat
siya, alam niya walang nakaaalam nito.
Ikaanim na Kuwento
Ang Totoong Nangyari
Nagpatuloy ang mga tanong at espekulasyon tungkol sa akdang Para Kay B, pero
wala siyang sinagot kahit isa.
Hindi na siya muli pang sumulat ng love stories, ang mga akda niya ay tungkol sa
kanyang bayan. Ang pinakahuli niyang akda ay tungkol kay Charlie, na natagpuang
patay sa riles ng tren.
Marami na siyang natanggap na mga parangal. Nagkaroon din siya ng mga
kasintahan subalit walang nagtagal. Laging mayroong isang pangalan na sumisingit.
Hanggang huminto na lamang siya at piniling mamuhay na mag-isa. The memory of
that great but broken love is still sustaining him.
SIMBOLISMO
cheap watch
pinto
television
bubong
love tattoo
BISANG PANGKAISIPAN

Hindi lahat ng pag-ibig


Ang pag-ibig ay
ay ipinaglalaban,
karaniwang nakaugnay
minsan sapat ng alam
sa ideolohiya.
ninyo na mahal ninyo
ang isa't isa.
BISANG PANGKAISIPAN

Kapag nagmahal ka at hindi


Sa pag-ibig kailangan nauwi sa poreber huwag
kang magsisi o
ng effort hindi
manghinayang, ang
maaaring iasa lahat kay
mahalaga mayroon kang
fate. natutunan at may nangyari
maganda sa iyong buhay.
BISANG PANGKAISIPAN

Ang taong nagmamahal


Bahagi ng pag-ibig ang kayang gawin ang lahat
sakit. para sa minamahal, pero
mayroong hangganan.
BISANG PANGKAISIPAN

Hindi lahat ng pag-ibig ay


nasusuklian
Kadalasan hindi natin
magkaganun pa man ay hindi ito
dapat nakakatuluyan ang great
maging dahilan upang tumigil love natin, ang
tayong magmahal
nakakatuluyan natin ay
at mabuhay, kailangan nating mag
patuloy. ang correct love.
TEORYA
TEORYANG ROMANTISISMO

Ipinakita sa akda ang iba't ibang


uri ng pag-ibig at mga paraan
kung paano ito naipahayag sa
kanilang mga iniibig.
TEORYANG REALISMO

Ang ilan sa mga pangyayari sa


akda ay sadyang nangyayari sa
totoong buhay. Ang tao ay
sadyang umiibig sa iba't ibang
kadahilanan at kaparaanan.
TEORYANG EKSISTENSYALISMO
Ipinakita sa akda na ang tao ay
may kakayahang magdesisyon
para sa kanyang sarili at handa
siyang tanggapin ang kung
anuman ang kahihinatnan ng
kanyang naging pagpili.
TEORYANG SIKOLOHIKAL

Ipinakita sa akda kung paano


nagbago ang pananaw ni Lucas
ukol sa pag-ibig dahil sa naging
karanasan niya kay Bessie.
Add a subhading
REFERENCES
INTRODUCTION TO LITERATURE (2012) BY
HARPER RUSSO

LANGUAGE & LITERATURE (2014) BY OLIVIA


WILSON

THE ENGLISH LANGUAGE (2016) BY TAYLOR


ALONSO
FREE RESOURCE PAGE
FREE RESOURCE PAGE

You might also like